Actually, hindi lang during this pandemic, but in your overall mindset on managing money may crisis man or wala.

Naging smarter ka na ba sa pag-manage mo ng pera or hindi mo pa rin ba mapigilan ang self na gumastos sa food delivery?

Kailan ba, friend?

Kailan ka ba matatauhan na hindi na ikaw ang nagpapasaya sa kanya, este, that you’re not getting any younger and you must plan your finances one way or another?

We’re here to help you.

Pero bago ‘yan, it’s good to start off with a clean slate.

Money-mindset 01

Yes, you have made financial mistakes in the past but don’t let this hold you back from achieving your financial goals. Forgive yourself then see those mistakes as learning opportunities na pwede mong ma-apply today.

Because, sabi nga ni Chinkee Tan in his video on Mayaman ka na kung Hindi ka Lang…[15 Excuses kaya ka Mahirap pa rin], “It’s never about the past, it’s what you are doing about the present in order for you to go towards your future.”

Okay?

So, eto na talaga.

1. Ano bang mindset mo about money?

Broke mindset ba ‘yan or payaman mindset?

Money-mindset 02

Kung ang lagi mong iniisip is wala ng pag-asa na magka-jowa ka ngayong quarantine eh baka ganoon nga ang mangyari. Chos!

What we mean is kung ang mindset mo ay wala ka laging alam, or bata ka pa para isipin ang future, or nakakahiya mag-sell online kasi baka i-judge ka ng friends mo, ma-sta-stuck ka.

Ikaw mismo, you’re shutting yourself off from the opportunities that await you because nag-settle ka na lang sa “broke” mindset.

Why not change it today?

We have more resources to help you how to develop that payaman mindset. Pero tapusin mo muna ‘tong basahin kasi maraming ka pang makukuhang tips dito.

Tulad nitong tip #2.

2. Nag-research ka na ba?

You must develop a mindset na bago ka sumabak sa isang bagay, dapat may alam ka. Especially now na marami na siguro sa’yong naga-alok ng investments.

Nagkalat ang scammers diyan so ‘wag pokmaru. Sa love life pokmaru na, sa pera pokmaru pa rin?

Money-mindset 03

‘Wag ganun. Siyempre, they will try to hook you para ma-fall ka sa instant. Instant kita, instant yaman lalo na need mo ng pera given na we’re in the middle of a crisis.

So, ‘wag maging emotional. Instead, do your own study before you invest your hard-earned money.

3. Minultiply mo na ba ‘yan by 5?

Ito magandang tip on spending from Chinkee on his video New Norm: Maging Smarter Na Tayo Sa Pera.

Before you splurge on anything, i-multiply mo muna ‘yung product na gusto mong bilhin by 5.

For example, gusto mo magpa-Grab ng coffee that’s worth ₱180. Multiply mo ang ₱180 by 5, that’s ₱900 plus delivery charge. Bibilhin mo pa ba?

Money-mindset 04

Eh ang coffee sachet that’s worth ₱12 na binibenta diyan sa inyo. Multiply mo ang ₱12 by 5, that’s ₱60. Malamang ito mabibili mo.

“If hindi mo kayang bilhin sa times 5 ibig sabihin hindi mo afford. Don’t buy it,” he said.

Ang galing ‘no?

Challenge namin ‘to sa ‘yo ngayon bago mo i-check out ‘yang in-add to cart mo sa Lazada.

G?

Money-mindset 05

What mindset on finances are you going to apply today?

Share mo naman sa amin on the comments below.

You can also reach us out at 0999-227-1927 or call 8-737-0-777, kung gusto mo maki-connect sa amin or you need prayers for your finances. Willing kami ipag-pray ka.

I-message mo rin kami sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.