Nakakapagod din pala mag-stay sa bahay ‘no?
Sa una lang happy-happy kasi hindi ka na magco-commute papasok sa work pero when weeks turn into months and months turn into you-do-not-know-when…
Ang hirap, bes! Ang hirap na nakakulong ka na nga sa bahay, limited pa lahat ng galaw mo and nakaka-stress kasi you know na hindi na mababalik ‘yung dati. ‘Yung dating kayo.
Chos! Pero eng sheket ‘no?
You don’t know pero baka nakaka-experience ka na nang quarantine fatigue. This is when you’re just sick and tired of being quarantined and sa pagsunod sa mga safety protocols against COVID-19 that you let your guard down against it.
Hindi ka na ba nagdi-disinfect ng groceries and ‘yung mga pinamili mo sa Shopee? Hindi ka na kumakanta ng Happy Birthday song nang 2 beses habang naghuhugas ng kamay? Wapakels ka na sa social distancing kaya nung nag-GCQ nag-meet na kayo ng jowa mo kasi 3 months na kayong hindi nagkikita?
Sabi naman ni Austin Hall, MD in an article Quarantine Fatigue Is Real—Here’s How to Keep Up Social Distancing Anyway by Leah Groth of Health, “Quarantine fatigue is a completely reasonable response in the context of so much change and uncertainty.”
But that does not stop there, okay?
Kailangan ‘tong solusyonan because remember, we have not yet flattened the curve. Wala pa ngang cure or vaccine for COVID-19 kaya bawal pa rin ang petiks.
For now, here’s how to help you cope with quarantine fatigue.
1. Acknowledge na you’re not okay inside.
Hindi lang ikaw ang nakaka-experience ng quarantine fatigue. Everyone is new to this pandemic.
So, imbis na wapakels ka or trying to intentionally push aside the frustrations you feel, admit mo sa sarili mo na nahihirapan ka.
“Not only can this provide relief, but it also reduces the power these feelings may have over you,” Sara Lindberg, M.Ed explained in her article How to Cope With Quarantine Fatigue in Verywell Mind.
You can also try na i-kwento ‘to sa iba. Malay mo same pala kayo. Mas nakakagaan kaya sa feeling na malaman na hindi lang ikaw ‘yung nagsu-struggle nun.
Feel free to also connect with us ha. Just text 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
2. Plan. Plan. Plan.
Totoo na nakakawala na nang gana mag-plano when this pandemic happened pero hindi pa huli ang lahat.
Why not take this time to think through your life goals?
“Articulate three goals each in the personal, professional and spiritual areas of your life in the next year,” tip ni Paul Hokemeyer, PhD, in the same article by Health.
Magandang time din ‘to to reevaluate. What are the things in your life na need ng improvement? Skills you want upgrade? Mindsets you want to acquire? Traits na gusto mong ma-develop?
For sure, marami nang ipinapa-realize ang pandemic na ‘to sa ‘yo kaya don’t miss this opportunity para after nito mas ready ka nang lumaban sa buhay.
3. Set small goals.
So, meron ka nang goals for next year and nakapag-muni-muni ka na on the things that you need to improve. Siyempre naman isipin mo rin ‘yung present by setting manageable goals with short-term rewards.
“Identify something within your control that provides an immediate sense of accomplishment and purpose,” Sara said.
Sample, mag-general cleaning ng kuwarto mo this weekend, tulungan si mother maglaba or magluto, or paliguan ‘yung dog niyo.
“This immediate sense of accomplishment may offset the larger challenges,” says Dana Dorfman, Ph.D., in the same Verywell Mind article.
Before you close this article, okay lang ba na ipag-pray ka namin?
We know that this has been hard for you and gusto lang namin malaman mo na hindi ka nag-iisa.
Message mo kami sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.
Oo nga po, ako ang dami damibkonponh nararamdaman sa katawan, lalo na po ngayon meron akong gallstone, na dapat po maoperahan ako nong april hindi po natuloy kase po inabot ako ng lockdown, ngayon kase mejo kumikirot kirot na naman po ang tagiliran ko, hindinkobmawasanbangbhindi mapaluja sa kirot, natatakot naman po ako na magpunta po sa hospital para magpacheck up ulit.. sakit sa likod dibdib, ramdam ko pa lahat ngayon, anxiety, stress.. sana po maisama nyo po ako sa mga dasal nyo po.. salamat po god bless.
Hi Violeta! Isang mahigpit na yakap sa ‘yo! Makakasigurado ka that we are stand in prayer for your complete healing and restoration. ‘Wag mo sarilinin ang problema, text mo kami sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
I am one of those suffering from this quarantine fatigue. Not just that,mdalas ako inaatake ng anxiety.feeling ko my sakit ako.
Thank you for being real sa nae-experience mo, Mark. You don’t have to go through this alone. Message mo naman kami sa iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. Or, you can email us at connect (at) icanbreakthrough.com. Let’s talk!
Thank you so much for this article malaking bagay po ang ginagawa niyo po ito, nawa’y pag palain po kayo nang Diyos na buhay sa mabubuting ginagawa niyo sa ibang tao.
Nakakataba naman ‘to ng puso! Salamat, Joshua. All for God’s glory! Need mo ba ng encouragement or prayer? Message mo kami sa iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. Or, you can email us at connect (at) icanbreakthrough.com.
Please pray for me..for not giving up..im emotionaly..financially struggling
Hi Alma! Kumusta ka na ngayon? Message mo kami sa iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. Or, you can email us at connect (at) icanbreakthrough.com. We want to pray for you!
Nahihilo na po ako sa sitwasyon po ngayon ang dami protocol pag lumabas nakakapagod po sana bumalik na sa dati pamumuhay natin mawala na ang covid pandemic.
The struggle is real ‘no, Irie? Feel na feel ka namin. Pero ‘wag kang bibitaw. Remember that this is temporary. Kumapit ka kay God who is unchanging, tutulungan ka Niya. Do you want to know more about His promises for you? Message mo kami sa iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. Or, you can email us at connect (at) icanbreakthrough.com.