‘Wag mo sayangin ang time na ‘to.
While a lot of people are risking their lives amid COVID-19 threat, may part ka rin to play kaya ‘wag matigas ang ulo.
Ang goal is to be better, wiser, and stronger after this crisis.
Ready ka na?
- Miss mo na magsulat? Magluto? Tumugtog?
Miss ka na rin niya. Hindi nung ex mo, nung hobby mo. Ano ‘yung passion mo na matagal mo nang gustong gawin or balikan pero hindi mo magawa dahil wala kang time?
Ito na ‘yung time na ‘yun! Malay mo, ma-i-turn mo pa ang passion mo na ‘to into a career or business.
- Makipag-bonding with your loved ones.
Alam mo, miss ka na rin nila. OT ka kasi ng OT eh. Make the most out of your time to catch up with them. Remember, hanggang April 2020 pa kayo magkakasama.
Be creative. Maglaro kayo ng games. Manood ng K-Drama. Turuan mo si mama at papa mag TikTok. Try mo lang. Pramis, hindi mo na ‘to mababalik.
Kung malayo ka sa kanila at may internet connection nama, uso rin ngayon ang video call.
- Work-from-home ka? Do your best!
Hindi porke’t nasa bahay ka lang pwede ka na mag binge-watch ng videos ni Mimiyuuuh during work hours, except na lang kung break time mo.
Maging ma-disiplina. Resourceful. Efficient. ‘Wag mo sirain ‘yung tiwala sa ‘yo ng boss mo. Malay mo, kapag nakita ng company mo na okay ang work-from-home set up para sa ‘yo, eh ‘di ang laki nang matitipid mo.
- Magpalakas ka.
Hindi lang para sa sarili mo pero para sa mga taong nakatira sa bahay niyo, para sa community niyo, para sa bayan. Makipagtulungan. Please.
Uminom ng vitamins. Mag-exercise at bawiin mo na ‘yung 8 hours na tulog na pinapangarap mo.
Siyempre, always wash your hands at sundin ang iba pang guidelines ng Department of Health para makaiwas sa COVID-19. Remind mo na rin ‘yung mga kakilala mong matigas ang ulo.
Tsaka ligo-ligo rin.
- Tumulong ka.
Bukod sa pagpapalakas, kung may kakayahan ka o may kakilala kang may kakayahan, you can extend help sa mga health responders who risk their lives daily para sa bayan. Hindi biro ang ginagawa nilang sakripisyo.
You can go to Operation Blessing Foundation Philippines to know more details.
- Spread love, not hate.
Ang daming mga bagay ang dapat ika-rant ngayon, yet in the middle of all this, why not choose the better path. May power ka to break the cycle of hate.
Choose love. Choose compassion. Choose kindness. ‘Yan ang mas kailangan ng mundo ngayon.
If it helps, pagpahingahin mo muna ang utak mo by putting your phone down from time to time. Non-stop scrolling through your feed can get overwhelming. Okay lang maging updated sa news about COVID-19 and whatnots but please take care of your mental health.
- Pray. Pray.
Kung sa tingin mo limited ka dahil nasa bahay ka lang, nagkakamali ka. Nothing is more powerful than your prayer. Lumaban ka para sa bayan gamit ang panalangin.
God has won countless of battles for the Philippines, He can and will do it again today. Kumapit ka lang sa Kanya dahil mas makapangyahiran Siya sa COVID-19.
If you feel worried and depressed during this time of crisis, nandito kami para sa ‘yo. I-text lang ang 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
I-message mo rin kami sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.