Pagtaas ng COVID-19 cases dito, pagdami ng mga namamatay doon.

Kawalan ng tulong mula sa gobyerno dito, pagdami ng mga apektadong health workers doon.

Mga taong walang trabaho at pangtustos sa pamilya dito, mga taong kailangan pa ring kumayod kahit delikado doon.

Bakit kahit saan ka tumingin lalo lang dumidilim?

Tulong!

Nakakalunod na.

May sasagip pa ba?

Pray tayo 01

Alam mo, Breaker. Pause ka muna.

Nakalimutan mo na atang may kakampi ka.

Pray tayo 02

God is fighting for you, for us.

Hindi mo man naiintindihan kung bakit nangyayari ito pero pwede mo Siyang takbuhan, lapitan, at itaas sa Kanya lahat ng cares and worries mo.

This 4th week of March 2020 is very significant dahil dineclare ni President Rodrigo Duterte ang week na ito as National Week of Prayer para ipagkaisa ang bawat Filipino to pray against COVID-19.

Kaya, tara! Pray tayo. Bigay natin kay God lahat ng sakit ng puso mo.

God, tulong.

We acknowledge that we cannot fight this virus without You. Lumalapit kami ngayon sa Iyo asking for Your mighty hand and outstretched arm to rescue the nation of the Philippines and the world who are fighting against COVID-19. Walang binatbat ang virus na ito dahil Ikaw ang pinaka-powerful sa lahat at walang ano mang bagay ang hindi Mo kayang gawin.

Nilalapit namin lahat ng front liners ngayon sa Iyo na lumalaban para sa bayan upang siguradahin ang safety and security ng bawat Filipino family. Ikaw ang magbigay ng strength sa kanilang mga napapagod na katawan, wisdom sa kanilang mga naguguluhang isipan, hope sa kanilang mga nangangambang puso, and protection saan man sila dalhin ng kanilang mga paa. 

Tulungan Mo kaming maging united at huwag Mo kaming hayaang mapagod na magdasal para sa pagbabago ng bansa namin. Buksan Mo ang aming puso to believe again, hope again, forgive again, and love again. Alam namin na may maganda Kang plano. Matatapos din ang crisis na it.

In Jesus’ name, amen.

Pray tayo 03

Kay God, may paghinga at kapahingahan.

Kumusta ang pakiramdam mo after praying?

You can share with us your thoughts. Just visit iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

If you need someone to pray for you, text mo lang kami sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.

Malalagpasan natin ‘to, Breaker. Kapit ka lang sa Kanya.