Kapag forever ang pinag-u-usapan, g na g siya, oh!
Pero okay lang ‘yan, lahat naman longing to love and be loved. Ayun nga lang, minsan, you look for love in the wrong places kaya ang ending, heartbroken.
Para hindi naman masyadong masakit. Eto na lang ang tandaan mo, okay?
Kahit gaano man nawasak ni past ang puso mo, meron pa ring Someone na willing to take it and make it whole.
Uy! Curious siya kung sino si Someone.
He is the reason why you celebrate Holy Week.
He is Jesus at gusto niya magkaroon ng personal relationship with you.
Maybe you’re asking, “Kilala ko naman si Jesus, hindi pa ba sapat ‘yun?”
Ganito kasi ‘yan.
Think about a colleague na hindi mo masyadong close and nag-u-usap lang kayo kapag work-related concerns or your distant relative na nag-ha-hi ka lang kapag may family reunion kayo.
Kilala mo sila pero not on a personal level na nag-chi-chikahan kayo about life and whatnot.
Gets mo ‘yung logic?
Magkaiba kasi ‘yung kilala mo si Jesus based on what history tells you. Magkaiba rin ‘yung may personal relationship ka with Him as your friend and lover.
‘Di ba ganun naman sa relationship? You spend quality time with the person, aalamin mo ‘yung likes and dislikes niya, kikilalanin mo ‘yung mga taong mahal niya, you support their goals and ambitions in life, and the like.
Ito ‘yung main purpose why God sent His Son, Jesus. He wants to have a personal relationship with you. Si Jesus ang forever na hinahanap mo. ‘Yung hindi ka lolokahin, sasaktan, at ipagpapalit sa iba, pero willing Siya to die for you para ipagsigawan sa mundo na mahal ka Niya.
Nakakakilig ‘di ba?
Ngayong alam mo na. Paano ka magkakaroon ng personal relationship with Jesus?
Simple lang, receive Him in your life.
Ibahin mo si Jesus pagdating sa relationship, hindi Siya malabo at hindi Siya kailanman magkukulang sa ‘yo.
Kung may mga questions ka pa, feel free to text 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
You can also message us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.