1st, ‘yung plano mong magpa-Grab food ulit ngayon ng milk tea kahit pang-3 mo na ‘yan this week, hinay-hinay muna. Baka maging milk tea ka na.
2nd, ang savings parang relationship, kailangan mo ng commitment and discipline na malagpasan ang mga temptations kasi worth it ‘yan and lahat ng worth it ipinaglalaban kahit mahirap.
Gustomoyern?
Warm up lang ‘yan.
Tulungan tayo here, Breaker. Baka nakalimutan mo na that one of the most life-impacting lessons that this pandemic taught us is to focus kung ano ba talaga ang important sa life.
Isa na nga dito is ang pagkakaroon ng savings, right?
So, let’s not repeat the same mistakes again. Save today and thank your future self later.
Here are 3 tips kung paano mag-save amid pandemic.
1. Set aside kahit maliit lang.
You’re probably thinking na mag-iipon ka na lang kapag malaki na or enough na ang sweldo mo lalo na in this time of crisis.
Pero need mo ma-gets that what you’re trying to build here is your character – the discipline of saving money.
“What is really more important here is not the amount but you creating the habit and the system,” FQ Mom Rose Fres Fausto in her interview Money Issues During Quarantine | Paano Ba ‘To with The FQ Mom with Bianca Gonzalez.
Boom! Ayun talaga ‘yun Breaker eh.
Sanayan lang talaga ng pagse-save kahit gaano pa kaliit ‘yan kasi para sa future self mo naman ‘to.
Imagine if you have done this years ago, magpapasalamat ka talaga ngayon na nakapagtabi ka. You are less worried and more secured.
2. List down your gastusin.
Yes, alam na namin. You have heard this so many times kapag nagbabasa ka or nanonood ng mga financial tips pero nagawa mo na ba?
Mahirap to ah kasi ultimo singkong duling kailangan mo i-list down pero kayang-kaya!
“A proper tally of all your expenses will help a lot in deciding which expenses you can live without or perhaps you can opt for a much cheaper option,” says Aedrianne Acar of GMA in her article 5 simple money-saving tips for millennials amid the COVID-19 pandemic.
Dito magkakaalaman kung ang nilalabas mo bang pera ay mostly napupunta sa food delivery or groceries na mas tipid dahil magluluto ka lang sa bahay.
‘Wag ka matakot harapin ang katotohanan dahil ‘yan ang magpapalaya sa ‘yo.
Naks! Parang ibang hugot ‘yun ah. Anyway, here’s tip #3.
3. Sell your pre-loved stuff online.
Bukod sa pagtitinda ng food na marami nang gumagawa ngayon, why not try selling your pre-loved items?
For sure, may mga stuff ka sa bahay na hindi mo na gaanong nagagamit or never mo nagamit. Ibenta na ang mga kagamitan mo that does not spark joy.
Para aside from saving, kumikita ka pa. It’s also therapeutic to declutter your space ‘no.
Pero Breaker ah, hindi naman masamang i-reward ang sarili paminsan basta within the budget.
So, ano?
Wala nang atrasan ‘to. If you’re not going to start saving today, before you know it, lumipas na naman ang ilang years na wala ka pa ring ipon.
Kung G ka, let us know by submitting your comments below.
Kailangan mo ba ng prayers pagdating sa finances?
Text us at 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
You can also connect with us sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.