Bet mo ba ‘yung home baked cookies na in-order mo from your friend?

May tips kami how you can show your support to them.

Eh paano kung hindi mo talaga type?

Siyempre, we gotchu, too.

Support online business 01

Pero bago ‘yan ah, sharawawt sa mga friends mo na naging online seller when this COVID-19 crisis happened.

Ang galing ‘no?

Makikita mo talaga kung gaano ka resilient ang mga Filipinos kahit gaano pa kalaking obstacle ang iharap sa atin, kaya naman #SupportSmallBusiness talaga.

Baka ikaw din, interested kang mag-start ng sarili mong online business? May article kami about how to start selling online.

Tapos, balik ka ah?

Masakit ang ma-ghost. Alam mo naman siguro ‘yung feeling?

Char!

So, eto na. Here are tips how to support your friend’s online business.

1. Spread the word to the online world.

Bet mo nga ‘yung product pero nag-like, follow, comment, share, and subscribe ka na ba?

This is one way to help your friends increase their customer base.

Support online business 02

Tsaka, you can also post their product on your social media and make a good review.

Plus points kung instagrammable ang photos mo of the product para mas eye-catching. You can also explore some photo editing apps like Canva, Nichi, or VSCO to help you with that.

2. Feedback. Feedback. Feedback.

Nahihiya kang sabihin na hindi mo type ‘yung product ng friend mo ‘no?

Support online business 03

Paano niya malalaman what to improve on kung wapakels ka lang?

Be honest with your experience sa product, service, process etc. But at the time, loving pa rin because maybe it’s really your friend’s 1st time to do this and a feedback is what he/she really needs to be better next time.

Bukod sa feedback, baka makapag-offer ka rin ng creative ideas or connect them to someone na kakilala mong maalam sa business.

Tulungan tayo here.

3. ‘Wag na mambarat.

Magtatanong ka pa kung free, eh. O ‘di kaya grabe kung makahingi ng discount.

Support online business 04

Iwasan na natin gamitin ‘yung magic word na “friends” naman tayo. Isipin mo ‘yung capital, labor, delivery, tubo etc. ng friend mo para maghanap-buhay during this crisis.

Tulong mo na sa kanya ang magbayad nang hindi nambabarat. Samahan mo pa nung tip #1 or #2.

Ayos ba?

4. ‘Wag kang judger.

Siguro may iba kang friends na hindi mo akalain na magse-sell online and imbis na suportahan eh na-judge pa.

‘Wag ganoon, mah friend.

Support online business 05

Hindi natin alam kung side hustle niya ‘yun because he/she was furloughed or main source of income niya na ang online selling because natanggal siya totally sa work.

So, let’s not be quick to judge. Instead, do tip #5.

5. Cheer them on and pray for their business.

Baka nadi-discourage ‘yung friend mo kasi humihina ang pasok ng orders, why not offer a simple kumusta and encourage him/her with, “I’m so proud of you, bes, sa pagiging madiskarte! ‘Wag kang magi-give up.”

Your words of encouragement goes a long way dahil mafi-feel niya na hindi siya nag-iisa.

Try mo.

Kung kailangan mo ng partner sa buhay, este, ng partner sa prayer, we can pray together for your friend’s business. Text mo lang kami any time at 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.

Prayer is the best support you can give to your friend.

Uy wait, Breaker! Bago ka mag-TikTok, last tip na para sa ‘yo.

Support online business 06

‘Wag gamiting excuse ang pag-support sa friend sa kawalan ng ipon, okay?

It’s okay to support your friends by buying from them pero kung cause naman ‘to nang pagiging broke mo, mag-isip muna and read this article about saving.

Puwede namang mag-support by liking and sharing their products and recommend them sa iba mo pang friends or fam who might like it, kung hindi talaga kaya ng budget.

Gets?

We want to connect with you! Visit mo kami iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or YouTube channel or email us.