Naniwala ka naman - Online Dating

Ano nga ba ang Online Dating?

According to Cambridge Dictionary, online dating is a way of finding a romantic relationship through the internet via social media or dating websites.

In a research conducted by YouGov, statistics show na more than 50% ng mga Filipino millennials ay gumagamit ng online dating apps. While more than 40% ay nahihiyang umamin na nakilala nila ‘yung partner nila online. Pero, almost 70% sa kanilang respondents and nagsabi na they would not think differently of couples na nagkakilala online.

Sa online dating, marami kang makikitang potential partners based sa iyong personal preference, pero kailangan mo ring tandaan na hindi lahat ng impormasyon na nilalagay nila sa kanilang profile ay totoo o may mabuting intension, kaya kailangan mag-ingat nang mabuti.

Below are 3 points that you need to consider.

 

1. Ano-ano ang mga kailangang pag-iingat about dating online?

In an interview by Independednt UK, Scamalytics co-founder Nick Tsinonis said that it’s easy to lie online so it is important to thoroughly research about the person. ‘Pag may nararamdaman kang hindi tama, humingi ka na agad ng payo sa kaibigan mo o sa taong mapapagkatiwalaan mo. Block the person immediately kapag sa tingin mo nagiging abusive or inappropriate na ‘yung kausap mo.

Female - Online Dating

2. Ano-ano ang mga dapat gawin kung in an online relationship na kayo?

An article entitled Can An Online Relationship Work? published by Healthy Place for Your Mental Health, states that both parties should feel the same way about the relationship – no gray areas. Nakikita mo ba siya as your partner for the rest of your life? Are you both firm with your decision to make the relationship work? May balak ba kayong magkita? Dapat parehas kayong willing to make further commitments.

 

3. Maari ba itong mag- lead sa marriage?

According to the Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America (PNAS), 1/3 of the married couples in the US started online. In an interview by Stuart Fensterheim with psychology professor, Marisa Cohen, ipinaliwanag niya na mahalaga ang communication to get to the point of forever. The more you get vulnerable and authentic to your partner, mas lalalim ang pag iintindi niyo sa isa’t isa. Kapag nagkaroon ng problema, do not disengage but choose to talk about it.

Male - Online Dating

Most importantly, a relationship should be built in God’s foundation. Humanap ka ng partner na uunahin si God, may godly character and values, at kasama mong maglilingkod sa Kanya.

Are you dating someone you’re unsure of? Or hindi ka ba sigurado sa relationship mo ngayon? Feel free to talk to us about it. You can call us at 737-0-777 or text us at 0999-227-1927. You can also message us through iCanBreakThrough Facebook page and Instagram or email us at connect@icanbreakthrough.com.