Salamat naman  at may time ka para basahin ‘to.

Ang dami kong gustong i-kwento sa ‘yo kaya lang lagi kang busy. Hindi ka na mahagilap. Hindi ka na makausap. Kapag may free time ka naman, iba pa rin ang pinapansin mo.

Hindi ako makasingit.

Gets ko naman kasi it’s your way to cope with stress sa dami nang nangyayari ngayon sa mundo at sa personal life mo.

Pero ngayon, pwede ko na bang makuha ang attention mo?

Love letter from Jesus 01

Napapansin ko kasi that you’re missing the most important things in life and dahil love kita ayaw kong mapasama ka.

Ayaw kong mag-settle ka sa pansamantala. Pansamantalang saya. Pansamantalang kilig. Pansamantalang bagay sa mundo na akala mo pang forever pero hindi rin pala.

Nasasaktan ako kasi you deserve THE BEST kaya nga iniwan ko ang lahat para puntahan ka at sabihin na sa mundong temporary things lang ang kayang mabigay sa ‘yo, I came to give you eternal life.

Ito ang dahilan kung bakit kahit na anong bagay ang i-try mo to fill the emptiness inside, hindi pa rin sapat because I am the only one who can complete you.

Pero, pakinggan mo ito.

Love letter from Jesus 02

Totoo that life can and will wound you.

Pero sa bawat pagdapa at pagbangon.

Sa sakit at paggaling.

Sa pagluha at pagtahan.

Sa pagod at ginhawa.

Maging sa buhay at kamatayan.

Pangako, kasama mo ako at hindi ko bibitawan ang mga kamay mo.

Do not ever think that I can’t identify with your pain dahil ako mismo ay sinaktan, pinarusahan, binugbog, pinahirapan, at namatay sa krus. Lahat nang ‘yan inendure ko dahil gusto ko ipakita sa mundo na love na love kita.

Letter from Jesus 03

Andito ako para sa ‘yo.

Kapag suko ka na, I will be your Hope.

Kapag nalilito ka, I will give you wisdom and direction.

Kapag natatakot ka, I will be your Peace.

Kapag iniwan ka nila, sasamahan pa rin kita kahit ayaw mo na.

Tinatanggap mo ba ang pagmamahal ko para sa ‘yo?

Jesus Christ