Oh! ‘Wag ka na umiyak.
Buti nga ikaw may jowa na babalikan after quarantine.
Mahirap talaga mag-adjust lalo na kung hindi naman kayo sanay sa LDR at lagi kayo magkasama.
‘Di ba?
Lahat shookt sa biglaang pagpapatupad ng quarantine and wala kang choice kung hindi sumunod para sa ikabubuti ng lahat. Pero ‘wag ka mag-alala, paglayuin man kayo ni COVID-19, ang pagmamahal niya ay sayung-sayo pa din.
Corny pero kilig ka naman.
Oh, smile ka na tapos ipabasa mo rin ‘to sa kanya, ha.
Konting push na lang!
Konting tiis na lang makikita mo na si bebe mo!
Have that mindset na hindi ito forever, for the time being lang kasi kailangan because “in general, research shows that long-distance relationships are more satisfying and less stressful when they are understood to be temporary,” sabi ni Andrea Bonior Ph.D. in her article 10 Tips to Make a Long-Distance Relationship Work in Psychology Today.
See?
Kahit na ang sakit-sakit na to be away from your bebe, encourage each other that this too will end at makakapag-samgyup date na kayo, finally. For now, tag mo na lang muna siya ng mga ki-ne-crave mo to save it for your next date.
Anong oras ba talaga kayo mag-u-usap?
Ilang weeks na ang nakalipas nag-a-away pa rin kayo kung bakit lagi siyang walang time kahit quarantine.
Baka naman kasi napa-sobra ang pagka-clingy mo eh work-from-home naman pala siya or may other things siyang gustong gawin to make the most out of this time.
Kaya sabi ng mga relationship experts ng Lasting in their article about Long Distance Relationships, it’s important to “discuss with each other what works for the general frequency and length of time you will spend texting, talking, or video chatting in a day or week.”
Be more open and understanding sa schedules ng isa’t-isa but at the same time, sabi rin nila, “be more intentional about responding to each other’s attempts to connect.” Maging flexible and sensitive ka rin naman kung need ka ng mahal mo lalo na ngayon na magkalayo kayo.
Tamang balance lang.
Have fun!
Wala na kayong mapag-usapan kapag nag-vi-video call?
“Finding things you can do together as a couple pays off big time in helping you feel more connected. That’s a huge win when it feels like the distance is pulling you in two different directions,” sabi ni Liz Colizza, isang marriage therapist, in the same article from Lasting.
Try this.
Manood kayo ng same series together, mag-COD or ML together, learn a new hobby together, tutal hindi naman kayo mapaghiwalay kapag magkasama kayo eh ‘di why not miski quarantine?
Pero seriously, it will help lessen the feeling na magkalayo kayo and para may topic kayong mapag-usapan right after.
Lambingin mo naman siya, friend.
Baka kaya lagi mainit ang ulo kasi kulang lang sa lambing.
“Without much face time, it’s easy to “forget” what you like about your sweetheart because they’re not there to remind us,” sabi ng Power of Positivity in their article 8 Ways To Survive A Long Distance Relationship.
Sabihan mo kasi ng “I love you” or tell your mahal things na nagustuhan mo sa kanya like, “Ang ganda ganda ng smile mo,” “Nakakatunaw ‘yung mga tingin mo,”“Bakit sobrang gwapo mo?”pero dapat sincere ah hindi mema sabi lang.
Ano?
Miss mo na siya?
Kung hindi mo na talaga kaya and kailangan mo ng prayers, just text 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
You can also reach us through iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.
Pwede po patulong hehe 3 months konapo sta nililigawan LDR pa tapos hintay daw po ako 4 years kasi di pa daw pwede kaya konaman po maghintay, problema lang po dikona alam kung ano mga pwede kong u chat sa kanya paulit ulit po kasi
Hi Erwin, gusto ka namin na tulungan sa concern mo. Tara, pag usapan natin to’. Tawagan mo lang kami anytime through our prayer line, 0931-805-0802 / 8-737-0-777. I-text mo din kami sa 0999-227-1927 or i-PM mo kami through our Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough. Blessings!