Yes naman!
Happy kami for you, Breaker, dati ikaw ‘yung nakiki-#SupportSmallBusiness sa mga friends mo. But now, you’re starting your own.
Ayos ‘yan because sa panahon ngayon kailangan talaga madiskarte ka to survive and thrive even when you’re in the middle of a global crisis, pero paano ka ba magsisimula?
Sa dami ng online sellers na nagtitinda ng home-baked cookies, cheesecakes, customized face masks, atbp, may chance pa bang mapansin ka?
Sa online selling, oo, if you start right. Pero kay crush? No comment.
Char lang! ‘Wag na natin patagalin pa baka saan pa ‘to mapunta.
Below are tips to help you start your online business.
1. Pag-aralan ang target market mo.
Meron ka ngang products in mind pero alam mo ba kung sino ang target market mo?
Sabi ng Moneymax in their article 10 Steps to Starting an Online Business in the Philippines, isa raw ito sa mga common mistake ng mga gusto mag-start ng business.
Questions such as sino ang target customers mo, ano ang needs nila, paano ngayon maso-solve ng online business mo ‘yung problema nila, are what you need to find answers to.
“You can easily find the answers to these questions on the internet. Check online communities such as Facebook groups, Quora, and Reddit to find out the usual questions people ask related to the product or service you’re planning to offer,” they said.
Kung baga ang goal is mapunan mo ‘yung pangangailangan ng customers mo pero sa usapang business lang ‘to, ah. Hindi sa “pag-ibig.”
Kung isa ‘yan sa mga problem mo, lipat ka muna sa lovelife article na ‘to then balik ka, ah?
Siyempre, search also your potential competitors and study their strategies and techniques on how they cater to their customers.
“When done right, market research enables you to craft a product for the right market that’s better than the competition,” they explained.
Speaking of being better than the competition, ito tip #2.
2. Maging angat sa iba.
Paano?
“Kung produkto ang pag-uusapan kailangang pag-isipan kung paano magkakaroon ng leverage pagdating sa quality, packaging o presentation, pricing, and promos or giveaways,” sabi ni Chinkee Tan in his article ONLINE SELLING TIPS.
Sample na lang.
Ang balak mong ibenta ay customized face masks. Kumusta ba ang materials na gagamitin mo dito? Sealed and safe ba ang packaging nito? Masasabi mo bang worth it ang selling price mo sa quality ng face mask na bibilhin ng target market mo? Maybe sa launching ng product mo pwede ka magpa-promo?
Gets?
Think of creative ways na magiging angat and unique ka sa ibang options ng customers mo.
Tatanungin mo rin ‘yung sarili mo eh. Ikaw ba bibili ka ng ₱80 washable face mask na maganda nga design pero nung nilabhan mo naghimulmol agad or maganda na design and matibay and comfortable pa suotin dahil quality materials ang ginamit?
Siyempre, you will buy the latter. You need to understand that more than the profit, pangangalagaan mo rin ang kapakanan ng customers mo, eh.
Sana ol pinangangalagaan ‘no?
3. Create a good process.
“From point of purchase, ordering, processing, delivering, after-sales service. ‘Pag ma-perfect niyo ‘yan, that’s the way to go,” sabi ni Chinkee in his video Negosyo Tips: Practical Tips for Online BUSINESS.
Kasi kung sa umpisa pa lang magulo ka na kausap, hindi tumutupad sa expected date of delivery, damaged pa ang package pagdating, what do you think would happen?
So, pag-isipan mo ang mga ‘to and create a good process para smooth ang transaction.
Parang ganito lang ‘yan, eh.
Kung gusto mo magkaroon ng loyal customers, give them a reason to be loyal to you.
Wait, Breaker, may isa pa kaming reminder.
Your online business has to be registered para legal ka to operate and for consumer protection.
Here’s the statement of DTI Secretary Ramon Lopez in an article DTI: Sellers operating on ‘irregular’ basis not required to register by Neil Arwin Mercado of INQUIRER.net, “At any rate, the rule basically applies to those in business regularly selling even if such activity is small in size, it must be registered. Anyway, the annual income below P250,000 is exempted from the income tax according to the BIR ruling.”
You may visit directly sa websites ng DTI and BIR for the most updated information.
Yes, we know, ang hassle. Pero kailangan namin ipaalam sa ‘yo ‘to as early as now because mas hassle once your business grew bigger in the future tapos hindi ka pala registered. Pramis.
Pero bago ka mag-start sa online business mo na ‘yan. Ito ang pinaka-importante sa lahat.
Prayer!
We want to pray for you. You can reach us through text 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.
Pwede mo rin kami i-message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.
pano po ba makakaipon kng tama lng nman ang saweldo kumbaga kulang p.
That’s a good question, Milanie. Puwede natin ‘tong pagusapan so we can guide you pa, tawagan mo kami sa aming hotline number 8-737-0777 or text 0999-227-1927. Puwede rin message sa iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. Or, you can email us at connect (at) icanbreakthrough.com. We’ll wait for you!