Yes, survival talaga kasi hangga’t hindi natatapos ang pandemya na ‘to, online meeting is the new normal.

But then, it does not have to be as painful as it is now.

Mabuti pang i-share mo na rin ‘to sa buong team mo para aware din sila that “Zoom fatigue” is real.

Oo, may ganun!

Zoom fatigue 01

Zoom fatigue is “a unique kind of exhaustion that occurs when people participate in teleconferencing calls for an extended time period,” Savitri Dixon-Saxon, Ph.D. explained in an article How to Navigate Zoom Fatigue With Colleagues and Friends, According to Experts by Isadora Baum of Good Housekeeping.

Nagtataka ka ba kung bakit feeling pagod na pagod ka pero nagmi-meeting lang naman kayo?

May explanation kasi ‘yan.

One of the reasons is it demands more focus kapag nagvi-video call kayo. “Your brain needs to put in more effort to process and understand non-verbal cues like facial expressions, body language, and tone or pitch of the voice. This gets worse when the video call involves more than two people,” Lead Therapist Sweta Bothra said in her article How to Avoid Zoom Fatigue While Working From Home from Thrive Global.

Another is the pressure to perform.

Zoom fatigue 02

‘Yung feeling na you have to look and behave a certain way kapag nasa harap ka ng camera kasi baka ma-misinterpret ka nila na hindi nakikinig or walang interes.

Or kapag ikaw naman ang nagpe-present, nakaka-conscious ‘yung lahat sa ‘yo nakatingin. Hindi ka lang pressured sa pag-present but now you worry about how you look, Sweta explained.

Isama mo pa ‘yung fear na baka magkaroon ng technical difficulties. Baka mag-freeze ka tapos hindi ka marinig clearly dahil sa internet. Ang ingay pa ng aso ng kapitbahay mo.

Kalurki! Nakakapagod talaga.

Zoom fatigue 03

Ito pa! Last of the many reasons kung bakit ka nagkakaroon ng Zoom fatigue.

Hindi na effective ang pain relief rub mo na binili sa Lazada sa sakit ng likod, batok, or balikat mo dahil maghapon kang nakaupo.

Kaya ‘yang Zoom fatigue na nararamdaman mo?

Tutulungan ka namin to survive with these 3 tips.

1. Mag-break ka naman.

If sunod-sunod talaga ang meetings mo, uso mag-break in between.

Have a 5 to 10-minute break before proceeding to the next meeting.

What you can do then is to “get up and walk around outside or inside the home. Do stretches or other exercises at your desk. This will give you some solo time to recharge,” sabi ni Isadora Baum.

Banyo break muna, inom ng water, or mag-lunch, basta ‘wag tuloy-tuloy.

Tapos, ipahinga ang mata during calls, okay?

Zoom fatigue 04

You can do this turning off your video then looking away from your screen from time to time.

Explain pa namin sa ‘yo on the next tip.

2. Turn-off your video muna.

Beke nemen pwedeng wala munang video?

Or kung meron man, may part lang na may video then turn it off after a couple of minutes?

Zoom fatigue 05

Bukod kasi sa nakaka-drain mag-analyze ng non-verbal cues tulad ng na-explain kanina, nakakapagod din kasi ‘to sa eyes mo.

Practice “looking at something other than a screen that’s 20 feet away for 20 seconds every 20 minutes in order to avoid eye strain,” advise ni Elizabeth Grace Saunder in an article 7 ways to avoid (or recover from) ‘Zoom fatigue’ by Advisory Board.

Kapag naka-audio ka naman, avoid multitasking because bukod sa nakakapagod ‘yun, it decreases your performance.

‘Yan tayo sa nagre-reply sa emails kapag nagmi-meeting, eh.

‘Wag daw ganun!

Kapag naka-video ka, try changing your gallery view to speaker view para wala ka masyadong pina-process at naka-focus ka lang sa nagsasalita. If conscious ka naman sa look mo dahil hindi ka masyado nakapag-ayos, pwede rin daw na takpan mo ‘yung face mo with sticky notes para hindi ka distracted.

Gets?

Tip #3 na!

3. Ask yourself, kailangan ba talaga mag-meeting?

Beke nemen pwedeng email na lang?

Basahin mo ‘tong real talk advice from Gianpiero Petriglieri, MD in an article How to Deal with Video Calls, Zoom Fatigue, and Remote Relationships by Goop bago kayo mag-meeting, “ask yourself, why are you having this video call? Are you having this meeting because you want to prove that you’re a good colleague, a good manager, a good friend? Or are you calling this meeting because we really need to see one another? Make it matter.”

Kung need talaga mag-meet, make sure that you keep it as short and clear as possible and stick to your agenda para hindi naliligaw sa iba pang chika.

Zoom fatigue 06

Okay lang naman chumika because you need it now more than ever pero try scheduling it some other time. Make sure lang din that even that has to have time limit, sabi ni Alex Sixt in his article 5 Ways to Beat Zoom Fatigue by Entrepreneur.

Para rin naman sa ‘yo ‘to and sa ikabubuti ng team mo para maiwasan ang Zoom fatigue and establish respect sa time ng sa isa’t-isa.

Make it a purposeful and productive meeting, okay?

Ayaw natin nang malabo at walang patutunguhang relasyon, este, usapan.

Naranasan mo na ‘yan sa ex mo, ‘wag ka nang pokmaru pa.

Tama na, Breaker.

Char!

Zoom fatigue 07

So, ano?

Share this now to your colleague para you’re all on the same page.

Mahirap ‘yan kapag ikaw lang mag-isa naga-adjust…

Text us now at 0999-227-1927 or call 8-737-0-777, bago pa kami humugot ulit at maumay ka na.

I-message mo rin kami ah sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us, if you need someone to talk to dahil hindi mo kailangan pagdaanan mag-isa ang problema.