Lagi mo na lang ba ‘to sinasabi sa sarili mo…

“Hindi ka magaling.”

“Failure ka.”

“Wala ka nang nagawang tama.”

“Hanggang dito ka na lang.”

“Bakit ba ‘ko ganito?”

Grabe siya ‘oh! Haaayy. Yakap, Breaker!

Saan ba ‘yan nanggagaling? Bakit ganiyan ang tingin mo sa sarili mo? Bakit mababa ang self-esteem mo?

Important kasi na malaman mo where this is coming from.

Boost self-esteem 01

Sabi nga ng Better Health Channel in their article about self-esteem, ilan sa causes of low self-esteem include, “Unhappy childhood where parents (or other significant people such as teachers) were extremely critical, ongoing stressful life event such as relationship breakdown or financial trouble, or poor treatment from a partner, parent or care taker, for example, being in an abusive relationship.”

Napa-reflect ka ba kung ano ang root cause why you have low self-esteem? Relate ka ba sa isa sa mga ‘to?

Alam namin na parang hopeless nang makabangon lalo na kung nasanay kang negative and critical ka sa sarili mo, but there is a way, Breaker.

There is always a way but it takes for you to say, “Pagod na akong mapagod. Ayoko na ng palaging ganito. Today, I want to BreakThrough.”

Tutulungan ka nina Jamey Santiago-Manual and Icko Gonzalez from Whatcha Say, Thursday! how to BreakThrough low self-esteem.

Ready ka na?

BreakThrough Self-Esteem Tip #1: Identify your negative beliefs.

Nagsisimula ‘to sa awareness, Breaker. You need to pinpoint the “What” and the “When.”

What negative beliefs do you say to yourself and when does it happen? Kapag stressed ka ba? Kapag mag-isa? Kapag heartbroken?

Tapos tanungin mo sarili mo…

Totoo ba!? Totoo ba na panget ka!? Totoo ba na kapalit-palit ka!?

Opx. Qiqil kami diyan sa nagpa-feel sa ‘yo na hindi ka enough.

Boost self-esteem 02

 Pero seriously, “It helps to take a closer look at your negative thought patterns to check out whether or not they are true,” sabi ng MentalHelp.Net in their article Building Self-Esteem by Changing Negative Thoughts.

If you will look at it from a different perspective, hindi naman talaga true na you are unlovable or worthless. See yourself the way the LORD sees you.

Ganun ‘yung ginawa ni Jamey, after she identified her negative beliefs, na-realize niya na siya lang pala ang nag-iisip na may mali sa kaniya. The truth is, she is fearfully and wonderfully made by the LORD (Psalm 139:14).

Challenging her thoughts empowered her to be more confident.

Ask yourself din, what good will negative self-talk do to me? Kung sa iba nga madalas kang mag-appreciate, bakit pagdating sa self mo, nahihirapan ka?

Ayan ang mga question na essential pagmuni-munihan.

BreakThrough Self-Esteem Tip #2: Flex your strengths and accomplishments.

Oh! Sasabihin mo na naman, “Wala naman akong ipagmamalaki, eh.”

Wala ba talaga?

Alam mo, Breaker, each one of us is created with specific gifts and talents na binigay ni LORD.

Beke leng you’re too focused sa weakness mo imbis na sa strengths mo. Parang ganito, medyo sablay ka man pagdating sa sports, pero ibang level naman ang kagalingan mo sa arts and design. Ayan ang na-discover ni Icko sa self niya.

Medyo pilit man ang TikTok dance challenge mo, pero bawing bawi naman sa TikTok riff challenge.

Gets mo, Breaker?

Boost self-esteem 03

In short, ‘wag ipilit ang hindi para sa ‘yo. *ehem*

Sabi nga ni Jamey, “Kung saan ka magaling, i-champion mo ‘yun.”

Look back at the times na nag-excel ka dahil sa strengths mo and celebrate it. Whether it’s a small win or a big win, it’s worth remembering because it allows you to appreciate how the LORD uniquely created you.

“Our job is to do our best and trust that the LORD will work through the gifts that He has given us,” share nga ni Icko.

BreakThrough Self-Esteem Tip #3: Build positive relationships. 

Hindi lang jowang mapagmahal, mabait, at God-fearing ang pinag-pe-pray pero pati friends.

Malaking factor who you surround yourself with, Breaker. “Build relationship with people who make you feel good and better,” advice nga ni Jamey.

“Good” dahil walang sawa silang mag-chi-cheer at remind sa ‘yo kung gaano ka ka-awesome.

“Better” dahil willing silang i-correct ang mali mo so you can improve and become the best version of yourself.

Ano pa?

Better watch this Whatcha Say, Thursday! online show where they talked about how to boost your self-esteem.

Bago mo i-close ang article na ‘to, Breaker, baunin mo ‘tong sinabi ni Jamey.

“Always remember that your worth is not measured by your past failures. May malaking plano si LORD para sa iyo. Stand up and believe in your God-given talents and abilities.”

Kasama mo kaming naniniwala na kaya mo, Breaker. You can BreakThrough low self-esteem.

Naka-help ba ang article na ‘to sa ‘yo? Type mo naman sa comment section, “iCanBreakThrough!”

If you need someone to journey with you toward healing your self-worth, text us at 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

Huwag ka ring mahiyang mag-PM sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.