When reality hits you hard, mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung ano na nga ba ang next?

Parang napag-iiwanan ka na, ah.

It looks like they have it all figured out. Mas successful sila, mas magaling, mas talented, mas sikat, mas maganda or gwapo.

Sabi nila, dapat by this age kailangan may bahay na, sasakyan, in a relationship, financially stable, nakapag-travel na abroad.

Eh ikaw?

Hanggang dito ka na lang ba?

Gigising, papasok, matutulog. Repeat.

Gigising, papasok, matutulog. Repeat.

Gigising, papasok, matutulog. Repeat.

Bakit ka nga ba nage-exist sa mundong ‘to?

Tama ba ang career na pinili mo?

Ano na nga ba ang ginagawa mo sa buhay mo?

Sino ka ba?

quarter life crisis unread 01

Ang dami kong tanong pero hindi ko mahanap ang sagot. Nabubuhay ba ako para lang mag-survive?

Ito na ba ‘yun, life?

Tina-try ko naman, eh.

Tina-try kong ayusin ang buhay ko. Tina-try kong mag-set ng goals, mag-strive for success, hanapin ang totoong purpose and passion ko.

Tina-try ko!

Pero no matter how hard I try, I still end up feeling lost and trapped.

quarter life crisis unread 02

Ang nakakagigil pa, litong-lito na nga ako sa direksyon ng buhay ko tapos biglang nagka-pandemic!

Lalong gumulo. Lalong nasira ang lahat ng plano. Lalo akong nawalan ng pag-asa na may patutunguhan pa.

Ano na, self?

Siguro hanggang dito ka na lang talaga.

Clueless. Hopeless. Lifeless.

quarter life crisis unread 03

Breaker, we hear you and nandito kami to help you.

‘Wag kang bibitaw please.

Instead of letting the pressure, frustration, and stress bury you down to the ground, gamitin natin ‘to find the answer kung sino ka and bakit ka nabubuhay sa mundong ‘to.

G?

Because the truth of the matter is, may purpose ka and may magandang future ahead of you.

Yes, kahit nagka-pandemic man.

We know na mahirap paniwalaan pero try mong i-text kami sa 0999-227-1927 or call 8-737-0-777 para ma-explain namin sa ‘yo.

Pwede mo rin kami i-message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.