Ano, Breaker? Hanggang kanta at emote ka na lang ba ng “Malaaaaaya ka na” ni Moira?
Hindi lang tao ang pinapalaya ha, pati ang sarili mo.
“Luh! Bakit ko kailangan lumaya? ‘Di naman ako nakakulong. I am free to do whatever I want,” baka iniisip mo.
Ayun na nga, Breaker.
Hindi porket you’re free to do what you want, when you want it, and how you want to ay gagawin mo na dahil not all actions are beneficial for you.
Alam mo ang tawag doon? Hindi freedom kung hindi lawlessness.
“Lawlessness might sound fun and appealing for some, but it is dangerous, destructive and oppressive,” explanation ni Coach Anton Reyes, isang certified life coach, sa BreakThrough the Lens video below.
Para mas ma-gets mo… may tanong kami for you.
Sa tingin mo ba mae-enjoy mo ang panonood ng basketball or any sports kung walang rules and regulations ang players?
Imagine-in mo kanya-kanya sila ng rules at trip gawin kasi they’re “free” to do whatever they want.
Ang chaotic!
“Rules, regulations, and principles are established to protect your freedom and to allow you to enjoy it without bringing harm to yourself and others,” sabi ni coach.
“Without laws, limitations, and boundaries, wala ring peace and order. When there is no peace and order, there is no freedom,” he added.
Gets mo na? Hindi lang ‘to sa game pero sa life rin.
YOLO nga ang motto mo pero bakit you still end up hurting yourself and others?
‘Yung akala mong “masaya” for now, makakapahamak pala sa ‘yo kaya nga may mga moments ka in life na pinagsisisihan mo.
Is that true freedom?
‘Yung malunod ka sa addictions, sinful desires, negative thoughts, or hurtful experiences mo?
Kabaligtaran ‘yan ng freedom na ino-offer ni Jesus sa ‘yo, Breaker. Watch this video below and see for yourself kung ano totoong meaning at importance ng freedom in Jesus.
Naguguluhan ka pa rin ba and you need more answers?
Click mo lang ‘to and malalaman mo ang ginawang sacrifice ni Jesus para sa freedom mo.
You can also text us at 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.
Pwede ring message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.