Do you want to be the best version of yourself pero hindi mo alam kung saan magsisimula?
We feel you, Breaker.
Kapag sinabi mo kasing “improve yourself” or “reinvent yourself” we dream of exploring new places, new adventures, and new network, but it all changed nung nag-pandemic.
All your “New Year, New Me” plans were cancelled.
Ngayon, stuck ka na sa bahay, stuck ka pa sa buhay. Anuena?
It’s easy to get discouraged talaga when things don’t pan out according sa expectations mo, pero you can BreakThrough.
Why not try again and i-change mo to “New Normal, New Me” ang plans mo? Dubuuuh?
Bringing out the best in you is still possible, Breaker.
Hindi ka na mahihirapan mag-isip because Breaker Trish and Breaker Sofia can help you.
Ang 1st BreakThrough tip nila?
Create your own space.
“Dahil everything ay nangyayari lang sa 4 walls ng bahay natin, ang pagkakaroon ng sariling space ay super helpful para makapag-isip tayo nang maayos,” sabi ni Breaker Trish.
It could be as simple as pagtambay sa garage or terrace niyo. Maging intentional sa pag-allot ng “me time” mo because this can help you refocus and recharge.
Ang 2nd BreakThrough tip?
Discover your strengths and happiness.
Sabi ni Breaker Sofia, “Magandang aware tayo kung saan tayo magaling at kung ano ang mga activity na nagpapasaya sa’tin. From there, puwede na tayong mag-start in deciding which parts of ourselves do we want to reinvent.”
Mahilig mag-“save post” sa Facebook about cooking?
Mag-double tap sa Instagram about home decor?
Mag-binge watch sa YouTube ng workout videos?
‘Wag ka ma-stuck sa “inspiration” lang, go ahead and do something about it. Support ka namin diyan, Breaker!
Ang 3rd BreakThrough tip?
Start a new routine.
“This can help in giving us a feeling of familiarity, dahil nga consistent natin siyang gagawin. Other than that, if inaraw-araw mo ‘to, eventually you’ll be good at it. And in due time, meron na tayong ACHIEVEMENT UNLOCKED,” sabi ni Breaker Trish.
Morning affirmations ba ‘yan? Reading a book every weekend? Journaling after work hours?
What new routine ang bet mong gawin?
“Remember, you’re reinventing yourself. So, yung mga hindi ka sanay gawin before, gagawin mo siya ngayon,” dagdag ni Breaker Trish.
Bitin ba?
Watch the full BreakTambayan video here dahil may 4th and 5th BreakThrough tips pa si Breaker Trish and Sofia diyan.
Ibang level talaga ang effect ng pandemic sa atin, ‘no? May kaniya-kaniya tayong hugot stories of fear, discouragement, and distress, pero you don’t have to go through this alone.
While it’s important nga na mag-set aside ng “me time,” mahalaga rin na you don’t disconnect yourself from people.
You can reach out to us, Breaker. Kung kailangan mo ng kausap or prayers, text ka lang sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.
Drop by din sa iCanBreakThrough Facebook page, Instagram account, and YouTube channel.