‘Yung feeling na kahit paulit-ulit kang sabihan na…

“Kawalan niya ‘yun!”

“You deserve better!”

“Time heals all wounds.”

Moving on and letting go of your ex-lover seems impossible.

Sino ba kasi nagsabing madali lang?

“The anguish of being the rejected partner can be devastating. Some people experience unending grief, ruthless pessimism, and a deepening fear that love might never happen for them again,” sabi ni Randi Gunther Ph.D. in her article 10 Reasons Some People Just Can’t Let Go of an Ex from Psychology Today.

Ikaw ba ‘to, Breaker?

Haaayss! Isang mahigpit na virtual hug nga sa ‘yo.

Alam namin na hindi ‘to sapat to completely ease ‘yung sakit na nararamdaman mo pero…

Relationship break up 01

We hope na as you read these 3 reasons bakit hirap kang mag-let go kay ex, eh hindi mo na siya icha-chat ng madaling araw.

Chour!

Pinapa-smile ka lang.

Pero seryoso, it will help you understand yourself better in this process of moving on from your ex because…

BreakThrough reason #1: Wala na yung safety net mo.

Kapag nada-down ka, ivi-video call mo siya.

Kapag naka-receive ka ng good news, siya ‘yung una mong babalitaan.

Kapag nakakatakot ka, iha-hug mo lang siya.

Ngayon wala na…

Hindi mo lang pansin pero nung bata ka pa siyempre you turn to your parents or guardian for love, comfort, and security, pero nung dumating ‘yung jowa mo siya na ‘yung nag-fulfill ng role na ‘yun, sabi ni Gery Karantzas in his article Why breakups are so hard and how to cope with them from The Conversation.

Kaya nung nag-break kayo, grabe na lang ‘yung heartbreak and torment na naramdaman mo.

Why?

Relationship break up 02

“We feel more vulnerable when our partner is not there to meet our needs and increasing our distress can alert our partner that we need their support,” he explained.

Kaya saksak puso tulo ang dugo talaga ang effect sa ‘yo because…

“The key person in life that helps you deal with the good, the bad, and the ugly, is not there to help you deal with this highly distressing loss,” he added.

Kaya pa ba, Breaker?

Mag-pause ka muna.

Kapag ready ka na, here’s…

BreakThrough reason #2: Hindi mo na kilala ang sarili mo.

Hindi mo na kilala kung sino ka ba talaga.

Why?

Dahil sa deep connection na na-build niyo sa isa’t-isa…

“We begin to think of a romantic partner as a part of ourselves—confusing our traits with their traits, our memories with their memories, and our identity with their identity,” sabi ni Lauren Howe, based on Arthur Aron and his colleagues’ research, in an article Why Some People Take Breakups Harder Than Others from The Atlantic.

‘Di ba?

Nafi-feel mo ba ‘to ngayon, Breaker?

Sabi nila nagiging magkamukha na kayo ng jowa mo dahil lagi kayong magkasama, pero hindi lang face, eh. Although may mga differences kayong dalawa, ‘yung likes, interests, views, or opinions nagme-merge na rin and nagkakapareho.

Relationship break up 03

Exciting ‘to sa isang relationship kasi “it can broaden a person’s sense of self by exposing them to things outside of their usual routines,” in-explain nila.

Pero ayun na nga, Breaker…

“This also means that when a relationship ends, the loss of a romantic partner can, to some extent, cause the loss of the self,” they said.

Ito naman…

BreakThrough reason #3: Nahanap mo na si “perfect partner”.

Pero ang ending napakanta ka pa rin ng “The one that got away…” ni Katy Perry.

Umasa kang siya na pero hindi pala.

Boto na nga ang family and friends mo sa kanya…

May plano na kayo for the future…

May baby names na nga at wedding venue…

Ibinigay mo naman ang lahat pero hindi pa rin pala sapat.

Relationship break up 04

“If people feel that they have finally found the “perfect relationship,” and their partners then walk away, they may despair that they will never find a love this wonderful again,” sabi ni Randi.

Ito ba ‘yung isa sa mga tanong mo sa self mo?

Kung may pag-asa pa bang makahanap ka nang tulad niya?

Okay lang maging honest, Breaker.

Pero this is what we can assure you, God is not done with you yet.

Hindi man kayo nag-work tulad nang inaasahan mo, ‘wag kalimutan ang sabi ni Alex Gonzaga sa interview video What Alex Discovered About Mikee After Their Wedding | Toni Talks ni Toni Gonzaga, “Kung single kayo ngayon, make the most out of this singleness. Palaguin niyo ‘yung pansarili niyo kasi hindi niyo alam like me behind the curtain, God is really preparing someone for you.”

We understand na baka part of you hindi pa talaga matanggap ‘yung idea na loving another person and that is okay.

Ang pagmu-move hindi naman dapat nira-rush.

Ngayon na alam mo why it’s hard to let go kay ex, ito naman another article dedicated for you on 3 BreakThrough tips on how to move on from your ex.

Relationship break up 05

Kumusta, Breaker?

Nakatulong ba ang BreakThrough article na ‘to sa ‘yo?

We want to know!

Feel free to comment it below.

I-share mo na rin how you are feeling during this moving on stage para rin mas specific ang BreakThrough advice namin sa ‘yo.

Shy ka ba?

Puwede mo kaming i-text sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

O di kaya PM, puwede rin! Send us a message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.