THIS IS IT, Breaker!

Malapit nang matapos ang 2020! Here we go, 2021!

Uy! Congrats, ah!

After all the unimaginable ganaps and happenings this year, you are here.

Can you believe nalagpasan natin ‘yun lahat?

Whew!

BreakThrough prayer 2021 01

No matter how big or small you think your progress is during the COVID-19 pandemic, hindi ka bumitaw at ayun ang importante. Kumapit ka kahit ayaw mo na. Gumising ka kahit pagod na pagod ka na. Nagpatuloy ka kahit sugatan ka na.

You are a warrior!

At ang pinaka-importante sa lahat, you made it this far because God was and is faithful all throughout, ‘no?

Kung babalikan mo ‘yung mga moments na ready ka nang mag-give up, God rescued you. He saved you. He delivered you.

Hindi ka Niya pinabayaan.

BreakThrough prayer 2021 02

Marami mang pangyayari ang hindi inaasahan this 2020, but God turned it into good and He will continue to do so this 2021!

That is the HOPE that we have next year. You can BreakThrough!

Sabi sa Romans 8:18 AMP, “For I consider [from the standpoint of faith] that the sufferings of the present life are not worthy to be compared with the glory that is about to be revealed to us and in us!”

Kaya, tara! Pray tayo for your BreakThrough this 2021!

BreakThrough prayer 2021 03

God, bago ang lahat, gusto muna namin mag-thank you sa Iyo! Maraming salamat dahil despite what is happening in the world, in our country, in our lives, hindi Mo binitawan ang mga kamay namin. Salamat sa protection, health, blessing, and favor na natatanggap namin araw-araw from You kahit na we’re in the middle of a crisis.

Ngayong magtatapos na ang 2020 and papalapit na ang 2021, ayaw na namin magplano, mag-decide, at mag-journey mag-isa, gusto na naming kasama Ka! I-prepare mo ang mga puso namin for what is to come. Hindi man namin alam bawat detalye ng future, but we put our trust and confidence in You that Your plan is to prosper us and not to harm us, it is a plan to give us hope and a future.

We pray for BreakThroughs this 2021! BreakThrough sa relationships namin, BreakThrough sa business, BreakThrough sa career, BreakThrough sa finances, BreakThrough sa health, BreakThrough sa mga pangarap at goals. BreakThrough sa ibat-ibang area ng life namin. Naniniwala kami na nothing is impossible with You and You have the power to turn things around for our good kahit nagkakagulo na ang mundo. We can BreakThrough sa buhay dahil Ikaw ang kinakapitan namin at kailanman hindi Mo kami bibiguin!

In Jesus’ name, amen.

BreakThrough prayer 2021 04

POWER!

Ramdam mo ba ‘yun, Breaker?

And, puwede mo kaming maging prayer partner.

Kung nabitin ka sa prayer and you need someone to pray with you sa kahit ano mang concerns mo sa life, text mo lang kami sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

You can also message us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.

If nagbabasa ka naman neto and you want to know more about Jesus, click mo lang ‘tong link dahil andiyan lahat ng need mong malaman about having a relationship with Jesus.

Together, let’s BreakThrough 2021!