Kung tatanungin ka ngayon, Breaker, what is #RelationshipGoals for you?

Kapag nag-trending ba ang TikTok dance challenge niyo ni jowa?

Kapag nakaka-receive ka ng heart reactions and sweet comments from your friends and family sa mga posts niyong 2?

Kapag may bonggang surprise siya sa ‘yo tuwing birthday or Valentines?

Wala namang masama if this will happen, pero ganun na lang ba ‘yun?

Ano nga ba ang totoong #RelationshipGoals?

In a relationship, single, or it’s complicated man ang status mo, para sa ‘yo ang BreakThrough #RelationshipAdvice ni Kuya Carl Pascua, isang Senior Pastor and Motivational Speaker, here in #BreakThroughtheLens.

Ganito kasi ‘yan, Breaker.

Being in a relationship is not just for companionship but a COMMITMENT.

Nabasa mo ‘yon? Commitment, Breaker.

“Hindi ka lang basta present, hindi ka lang basta makikipaglambingan (or harutan), may pagtutulungan, may teamwork, you will become a suitable helper (Genesis 2:18),” sabi ni Kuya Carl.

Ano pa?

Being in a relationship is not just an emotion but a matured decision.

“You should be developed and matured in different aspects para hindi ka lang hanap nang hanap for the right one, you will become the right one to someone,” he added.

Madami na kasi ngayong single na g na g na magka-jowa dahil sa impluwensya ng K-drama, romantic films, romance novels, at social media.

Aminin, Breaker!

Pero you need to ask yourself, “handa na ba talaga ako?”

“Tama ba ang motibo ko?”

“Mago-glorify ko ba dito si Jesus?”

Hhhmm… isip-isip nang mabuti.

Kung nabitin ka sa words of wisdom, panoorin mo na kasi ‘yung video to help you BreakThrough your love life.

[embedyt] https://www.youtube.com/watch?v=MWaDz4vDN9E[/embedyt]

Tapos mo na po?

Ia-ask ka namin ulit, what is #RelationshipGoals for you now?

Comment it below! O baka naman may idadagdag ka pa bukod sa relationship advice ni Kuya Carl, ‘wag na mahiya. I-comment mo na rin ‘yan.

We hope nakatulong ‘to sa ‘yo to BreakThrough, Breaker.

Do you want to watch more BreakThrough the Lens videos like this?

Nood lang sa sa iCanBreakThrough YouTube channel tapos subscribe ka na rin, ah.

Siyempre hindi namin kakalimutan ‘yung mga pusong sawi ngayon.

Kung ikaw ‘to and kailangan mo ng kausap, message ka lang sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

You can also reach out to us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

Sasamahan ka namin umiyak, malungkot, magalit, pero hindi ito-tolerate ang ka-pokmaruhan.

Sa true lang tayo, Breaker.

Labyu.

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.