REST

Rest? Ano ‘yun? Uso pa ba ‘yun?

Chos!

Sa dami kasi nang iniisip mo at sa dami nang dinadala mong bigat sa dibdib, hindi mo na alam ang ibig sabihin ng salitang rest.

Feeling mo isang stress na lang ang hindi pa pumipirma sa katawan mo at any moment bibigay ka na.

Hugs, Breaker!

Ramdam ka namin!

Dahil nga sa season 2 ng pandemic, marami talaga ang nase-stress at nawawalan ng pag-asa that things will get better.

Paano ba naman, marami ang nag-akala na ‘pag dating ng 2021, mas aayos na ang kalagayan sa bansa natin, only to find out – we’re not better off than before at ‘di natin alam kung kalian ‘ba to matatapos.

Ayan tuloy, maraming plans ang hanggang ngayon nakasulat pa rin sa hangin at marami pa ring dreams ang ‘di naisasakatuparan.

Legit ‘tong reasons, Breaker.

Pero, according to Kuya Carl Pascua, Senior Pastor and Motivational Speaker, meron pang posibleng deeper reason kung bakit mas bumibigat ang stress mo lalo na sa sitwasyon ngayon.

One possible reason, “We equate success to overwork” sabi niya.

O, aminin!

‘Di ba minsan nagi-guilty ka pa nga kapag nag papahinga ka? Feeling mo you’re being unproductive or that you are wasting your time.

Suggestion ni Kuya Carl, “You don’t need to overwork if you know how to work well.”

So, try to accomplish things one step at a time, Breaker. Divide your schedule and manage your schedule well para makapaglaan ka ng time for rest.

You can also read this article for tips on how you can get things done more efficiently.

Another possible reason ng stress mo according to Kuya Carl, “We are pressured to get results,”

“Minsan, ginagawa na lang pala natin ang isang bagay dahil nais natin maabot ang expectations sa ‘tin ng ibang tao. O kaya naman, naikukumpara natin ang ating sarili sa ibang tao,” he explained.

Ang resulta?

Sumasakit ang ulo mo at bumibigat ang pakiramdam mo dahil pressured ka to do more. ‘Yan tuloy, minsan hindi mo pa nasisimulan ‘yung task, pagod ka na.

“What matters is your progress gaano man kabagal o gaano man kaliit. Because in God’s time, what’s meant for you will come to you,” advice ni Kuya Carl.

Kaya naman, Breaker, bago ka pa mag-spiral deeper into stress and anxiety, mabuti pa panoorin mo na ‘tong video ni Kuya Carl.

Hindi lang siya nag-cite ng reasons dito about your stress, nagbigay din siya ng practical tips on how you can experience real rest during the pandemic.

Always remember, Breaker, that there will always be areas in our lives that only God can satisfy.

And the kind of rest na binibigay ni Lord? Hindi yun temporary.

Because He has already done something for you para siguradong you will receive peace and rest in Him.

Text mo kami sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802 if you want someone you can to talk to. Don’t go through this alone, Breaker. Puwede mo rin kami i-PM sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

Ang sarap sa feeling na ‘di ka nag-iisa ‘no?

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.