Hanggang kanta ka na lang ba ng “Oh, baby, you should go and love yourself,” ng Love Yourself ni Justin Bieber pero walang application sa buhay?
Tutulungan ka namin, Breaker.
Alam namin that this has been a tough time for you because of the pandemic and ang dali na lang kalimutan at pabayaan ang self para sa kapakanan ng iba.
Awtsuuu! Hugot ‘yan?
Pero eto, Breaker, sagutin muna natin ‘tong question na…
Bakit important na mahalin ang sarili?
Baka kasi sinasabi mo na, “Self-care? Kailangan ba talaga nun?”
Well, ‘wag na tayo lumayo.
Sabi sa 1 Corinthians 6:19-20 NIV, “Do you not know that your bodies are temples of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; you were bought at a price. Therefore, honor God with your bodies.”
Boom!
Kung nakikita ka ni God na sobrang valuable, maybe time na to see yourself from His point of view?
“God cares for you so kailangan good steward tayo sa binigay na katawan ng ating Panginoon,” sabi nga ni Breaker Jericho Arceo in this BreakTambayan video.
Gets, Breaker?
So paano na ngayon?
What are the BreakThrough self-care tips na you can do in your daily life?
Simple lang, start with physical health.
Hindi ka ba nag-skip ng meals?
Enough ba ang water na ininom mo?
It could be as simple as that, Breaker, because most of time itong maliliit na bagay ang nagkakaroon ng malaking impact sa health mo.
Another is mental health.
Kumusta na ba ang mental health mo lately, Breaker?
BreakThrough self-care tip ni Breaker Jericho is finding your creative outlet like journaling or rapping.
Pero. Pero. Pero.
Those activities worked for him na pwede mo rin i-try pero at the end of the day, you need to find what self-care activity is suitable for you kasi iba-iba naman tayo on how God created us, eh.
Isa pang aspect ay social health.
Nag-stop na rin ba ang pag-connect mo sa iba because of quarantine?
It’s true na nakaka-discourage na hindi na kayo madalas magkita tulad ng dati but don’t let it stop you.
“Kung dati nagkakaroon tayo ng physical gathering, ngayong pwede pa rin naman through virtual. Pwede natin gamitin ‘yan para makapag-socialize tayo at hindi naman tayo ma-isolate sa ating mga kanya-kanyang bahay,” BreakThrough self-care tip ni Breaker Sofia.
‘Wag din kalimutan ang emotional and spiritual health na mapapanood mo through this BreakTambayan video.
‘Wag mo ‘to palagpasin.
[embedyt] https://www.youtube.com/watch?v=zHXUPSHNpTc[/embedyt]
“When self-care is regularly practiced, the benefits are broad and have even been linked to positive health outcomes such as reduced stress, improved immune system, increased productivity, and higher self-esteem,” sabi ni Brighid Courtney, client leader at the wellness technology company Wellable, in an article What Is Self-Care and Why Is It So Important for Your Health? by Moira Lawler from Everyday Health.
Convinced ka na ba na self-care is not selfish?
What BreakThrough self-care tips from Breakers Jericho and Sofia ang gagawin mo today?
Share mo naman sa comment section. We want to know.
Oo nga pala, Breaker!
Kasama sa mental health self-care tip ni Breaker Jericho ang talking to a trusted someone about your struggle.
‘Wag mo solohin ang problema, Breaker.
Kung ano man ‘yang mabigat na dinadala mo and you can’t talk to someone about it, makikinig kami. Pramis, no judgement.
Please reach out to us through text at 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.
Pwede rin PM sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.
Aabangan namin ang message mo, Breaker.
You can BreakThrough!
Hello po, share ko lang po ngayon pong quarantine yung mga nangyayari sa mundo natin, Ako po parang nag-aalala po ako sa nangyayari parang naiistress po ako minsan po parang na dedepress na po ako sa mga nangyayari sakin kasi po nag-aalala po ako sa pamilya ko sa pagaaral ko sa mga kaibigan ko parang sa lahat po nyan wala nakong time na naiibibigay lalo na po sa pag aaral ko, pati po sa module po hindi ko po alam kung pano sisimulan sa sobrang dami. Staka po may problema din po ako sa pagtulog ko, parang sa mental health din po ganun, Lagi na po akong puyat natutulog naman po ako ng maaga pero dipo ako makatulog dahil nga po sa dumadami ng iniisip ko po sa mga nangyayari sa mundo tapos po sa Sarili ko po, Ano po ang pwede kong gawin
Hi Janine, salamat sa pagreach out mo sa amin sa pag-share mo sa amin nito. Prayer namin na bigyan ka ni Lord ng peace of mind at alisin ang mga pag-aalala mo sa kabila ng mga nangyayari sa bansa natin. Dasal namin na magkaroon ka ng peaceful and good sleep every night. We also pray na bigyan ka rin ni Lord ng focus and concentration para masagutan mo lahat ng module mo. Take one day a time at gawin mo kung ano ang dapat mo na unahin at magugulat ka na lang na madami ka na palang nasagutan sa mga modules mo. Minsan hindi natin makokontrol kung ano ang mga nangyayari sa paligid natin pero what can control is how we view things at kung paano tayo mag-rerespond. Gusto ni Lord na ipagkatiwala mo ang lahat sa Kanya at sabi Niya sa kanyang salita sa Filipos 4:6-7 Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng panalanging may paghiling. At ang kapayapaang mula sa Diyos, na higit sa anumang pang-unawa, ang siyang mag-iingat sa inyong mga puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus. We want to pray for you again, you can call us anytime sa 8-737-0-777 & 0931 805-0802 or text us at 0999-227-1927. PM mo din kami through iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. You can also email us at connect@icanbreakthrough.com or watch videos from our YT YouTube channel https://www.youtube.com/icanbreakthrough. Blessings!