Ang iba sa atin, nangangarap ng isang bagay na akala natin ay hindi na kailanman matutupad. Nanatili lang ito sa kanilang puso at isipan, pero hindi na umaasang mangyayari pa ito sa totoong buhay.

Marami silang mga pangarap.

Ang iba, may pangarap na mabuhay nang matagal. 

May pangarap makapagtapos ng pag-aaral. 

Pangarap guminhawa ang buhay. 

Pangarap maging mayaman, sikat, at successful. 

Pangarap maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Pero lahat ng ito, nanatili na lamang na pangarap. Ang lungkot, ‘no? 

practical tips dream come true 1

Ikaw, naranasan mo na rin bang mangarap na hanggang sa isip at puso lang, pero sa kaloob-looban mo, tanggap mong hindi na ito matutupad?

Hindi ka nag-iisa, Breaker. Marami rin ang nakararamdam nito. Pero dahil napadpad ka sa article na ‘to, gusto naming sabihin sa ‘yo na may pag-asang matupad ang mga pangarap mo. May practical tips kami para sa ‘yo na pwede mong i-consider at gawin para matupad na ang matagal mong minimithi. Hindi pa huli ang lahat, at ngayon ang tamang panahon para umaksyon ka!

‘Di ka na-oirent na may bakbakan pala rito, ‘no? LOL.

Make Your Dreams Come True Tip #1: Believe that it is possible despite your past and present situation.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi naniniwala ang iba na matutupad pa ang mga pangarap nila ay dahil sa kanilang sitwasyon at circumstances sa buhay.

practical tips dream come true 2

May iba na ipinanganak sa mahirap na pamilya. Ang iba, walang inborn talent na namana, at ang iba naman, walang tiwala sa mga sarili nilang kakayahan.

People have different life situations and family upbringing. Thus, all of us also have different advantages or disadvantages in pursuing our dreams. For one person, it may take him/her four or five years to earn a bachelor’s degree, but for others, it may take six years because they have to take breaks in between in order to save up for their tuition and go back to school again.

Dito sa Pilipinas, ang sitwasyon ng pamilya ang numero unong dahilan kung bakit hirap mangarap ang iba. Pero may magagawa ka para rito.

Believing that it is possible is winning half the battle.

Make Your Dreams Come True Tip #2: Write it all down, or document it.

Kailangan mong makita with your very own eyes kung ano ang mga pangarap mo. And one way to do it is by documenting it.

practical tips dream come true 3

“Four years from now, gusto kong maging writer.” 

“Ten years from now, gusto kong mag-earn ng P100,000 monthly!” 

“Five years from now, gusto kong mag-lead sa church at magkaroon ng twelve disciples.” 

“Gusto kong mag-travel around the world hindi lang para gumala, pero para mag-volunteer!”  

Whatever your dreams are, write it down or record a video of yourself. When you do this, it will then be easier for you to do the next tip. 

Make Your Dreams Come True Tip #3: Turn your dreams into plans and goals.  

Dreams are dreams for a reason. They are usually big and are hard to achieve, and they always seem intimidating.

practical tips dream come true 4

Pero kapag hinati-hati mo ‘yan into plans and goals, you will be amazed to see that it is indeed achievable! But the key here is knowing how to plan a series of SMART goals.

Specific. Be specific kung ano ang gusto mong mangyari. List all the necessary details. 

Measurable. Make deadlines na hindi malayo sa realidad. Kung gusto mong makapagtapos sa college, planuhin mo kung paano ka mag-iipon at ilang taon. Ano kaya ang pwede mong pasukan na trabaho? Or baka pwede kang mag-working student din. 

Achievable. ‘Wag kang ma-intimidate sa word na ‘to, kasi baka feeling mo hindi talaga achievable. The point here is to plan your next step in achieving your dream. Kumbaga, step by step muna. Hindi naman agad-agad natutupad ang pangarap, ‘di ba? It takes time but what’s important is, sinisimulan mo na. 

So, ano ang achievable na next step mo? 

practical tips dream come true 5

Realistic. Ito ang tinatawag na reality check. Kailangan mong i-assess kung nasaan ka ngayon, kung ano ang meron o wala ka, tsaka mo planuhin ang susunod mong gagawin. Accepting your current situation is necessary, because being in denial will get you nowhere. This will help you in the next part.   

Time-bound. Kailan mo gustong mangyari ang lahat?   

Make Your Dreams Come True Tip #4: Commit to eliminating distractions.  

Isa pang rason kung bakit nag-si-settle ang iba sa buhay na meron sila ngayon kahit hindi naman ito ang pangarap nila ay dahil nagiging sobrang distracted na sila sa buhay. 

Distracted sa buhay ng iba. Distracted sa kung ano ang nauuso, distracted sa lahat ng uri ng entertainment, or distracted sa jowa.

Okay lang naman mag-jowa, pero sana isa siyang inspirasyon. Hindi distraction! 

practical tips dream come true 6

Commit to eliminating distractions. Pero para ‘di ka mabigla, i-lessen mo na lang muna. 

Lessen your time sa Netflix. Lessen your gastos sa pag-sha-Shopee. And lessen your focus or attention sa buhay ng iba sa social media.

Make Your Dreams Come True Tip #5: Simplify your life.  

Parang kambal lang ito ng tip #4, pero ang main point sa tip na ito is identifying what you need and don’t need in your life.  

Kailangan ba talaga may bago kang damit every month? 

Kailangan ba talaga na Netflix ang puntahan mo kapag tapos ka na sa work or modules mo? 

Kailangan mo ba talaga mag-ML araw-araw, oras-oras, minu-minuto? 

Kailangan ba talaga Starbucks ang kape mo, eh pwede namang Nescafe stick?  

practical tips dream come true 7

Akala kasi natin kailangan natin ang isang bagay dahil nakikita natin ito sa iba. Pero ang totoo? Pagkain, tubig, bahay, pamilya, kaibigan, guro, pagsunod kay LORD at si LORD mismo lang naman ang kailangan natin para mabuhay, eh.

Kaya kung may time ka pagkatapos mong basahin ito, Breaker, assess your life and see kung ano ang mga bagay na pinapapasok mo sa buhay mo na nakakadagdag ng space, but are not necessarily important.

Make Your Dreams Come True Tip #6: Expose yourself sa mga taong makatutulong sa ‘yo.

No man is an island, and people are students of life for life. Mas magandang ma-achieve ang isang pangarap kung may kasama ka, Breaker, na sumusuporta at tumutulong sa ‘yo. Pero syempre, dapat gano’n ka rin sa kanila. 

Kaya surround yourself with people who can help you. Your family, friends, mentors, and people you look up to. It is possible to personally connect with your lodis now that we have social media! Pm and Dm mo lang sila, or be updated sa kanilang ganaps, oks na!

practical tips dream come true 8

Just continue to seek ways on how to connect with the right people.  

Make Your Dreams Come True Tip #7: Seek and pursue the LORD always. 

This, by far, is the most important tip, Breaker.  

The LORD is our Maker, and He is also the One who gave us purpose and dreams. He gave you your desires, skills, and gifts for a reason and for a purpose. And that purpose is to do His plans for your life.

Kung mangangarap ka, dapat kasama mo si LORD. Mas magaling kasi Siya magplano, eh. Plus, kita Niya pa lahat– your past, present, and future. 

Most of all, He is our good Father.  

That’s why in pursuing your dreams, continue and seek the LORD always. Kasi sabi sa Matthew 6:33 (NLT), “Seek the Kingdom of God above all else, and live righteously, and he will give you everything you need.”  

We hope and pray that as you make your dreams come true, you will remember this:  

practical tips dream come true 9

And what do you benefit if you gain the whole world but lose your own soul? Is anything worth more than your soul?” (Matthew 16:26, NLT).

Many people have traded their lives and souls for the sake of their worldly dreams– chasing money, stepping on someone’s toes just to get ahead, forsaking their convictions and values. But if you always abide in the LORD, hindi ito mangyayari sa ‘yo, Breaker.

Nothing is more important than your soul, because the price that He paid for it is beyond expensive.

Keep dreaming, Breaker, and don’t stop believing!

Message us: 0999-227-1927     

Call us: 0931-805-0802.    

Reach out to us:     

iCanBreakThrough Facebook page     

Instagram account     

Email

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.