Tag-harot na naman siya, oh.

Naku! Naku! Naku!

Sige na, Breaker. I-tag or i-share mo na ‘to kay babe with heart emoji kung totoong keeper ‘yan.

Pero sure ka na ha? Keeper ‘yan talaga?

Anu-ano ba ang mga green flags na nakita mo sa kanya?

Relationship green flags 01

Sa mga hindi pa aware, kung may relationship red flags that tells you to stop kasi toxic siya for you pero pinipilit mo pa rin (opx), may green flags din.

Green flags are your go signs that indicate na you are in a healthy and safe relationship.

Healthy and safe relationship meaning hindi lang puro kilig at harutan pero both are matured and committed individuals sa isang relasyon.

Ano ang ibig sabihin nun?

BreakThrough Relationship Green Flag #1: You become a better person.

Relationship green flags 02

Better sa pag-handle ng problems.

Better sa pag-manage ng emotions.

Better sa pag-abot ng pangarap.

‘Yung nagtutulungan kayo pataas. Hindi ‘yung naghihilahan kayo pababa.

Ekis na ‘yung ito-tolerate ang mali mo pero will lovingly correct you dahil ‘yun ang makakabuti para sa ‘yo.

In short, you are in your version 2.0 kapag kasama mo siya.

BreakThrough Relationship Green Flag #2: You feel safe kapag kasama siya.

Relationship green flags 03

Safe to be yourself and not pretentious.

Safe to express your deep thoughts and deep feelings – negative man or positive.

Safe to trust the person and not take advantage of you.

If may fear kang nararamdaman kapag kasama mo siya, major red flag ‘yun.

Bakit ka natatakot sa kanya?

Pag-usapan natin ‘yan, Breaker. Text us anytime sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

BreakThrough Relationship Green Flag #3: Nage-effort pa rin siya.

Relationship green flags 04

Consistent kumbaga.

Hindi ‘yung sa una lang magaling pero ipaparamdam sa ‘yo araw-araw na karapat-dapat kang mahalin.

You love in action not just with words.

Ang relationship kasi inaalagaan ‘yan.

Parang pag-aalaga ng plants, kailangan ng consistent effort para magpatuloy na mag-bloom kasi kung papabayaan mo lang, mamamatay din ‘yan eventually.

BreakThrough Relationship Green Flag #4: Humility over pride ang pinapairal.

Relationship green flags 05

Pataasan ba kayo ng pride kapag nag-aaway?

It happens, Breaker.

Wala namang perfect na relationship.

Habang tumatagal lalo niyong nare-realize na love is not a bed of roses, you will fight, argue, and misunderstand each other.

Pero habang tumatagal din dapat nare-realize niyo na it’s better to lose an argument than to lose the person, the relationship.

Humility over pride. Forgiveness over revenge.

Nanalo ka nga pero nawalan ka naman ng jowa.

‘Di ba?

BreakThrough Relationship Green Flag #5: May plano kayo sa future.

Relationship green flags 06

What are your goals as a couple sa future?

Magpakasal?

Mag-business?

Bumili ng bahay at lupa?

Magka-family?

Kung laging iwas ang jowa mo sa usapang future, you better think twice, Breaker.

Hindi mo deserve maging past time.

BreakThrough Relationship Green Flag #6: Aprub ng family and friends.

Relationship green flags 07

Pasado ba siya kay mama? Papa? Ate? Kuya? BFF?

Sino pa?

Take note kung ano ang say ng mga most important people in your life because sila ‘yung gustong mapabuti ka, eh.

Tama na ‘yung dramang, “Buhay ko ‘to. I can do whatever I want.”

Tapos kapag iniwan, niloko, pinagpalit, tatakbo kay BFF. Ilang warnings pa ba ang sasabihin na red flag siya?

See?

Yes, you have your own decision pero it is wiser na i-consider ang guidance ng loved ones mo.

Labyu.

BreakThrough Relationship Green Flag #7: Aprub ni God.

Relationship green flags 08

Ang pinaka-important na approval sa lahat – ang approval ni God.

If waley Siyang blessing, it’s not worth fighting for.

Sayang lang, Breaker. Mabuti pang maghintay for God’s best.

Paano mo malalaman if approve Niya?

Well, one is if the relationship brings you closer to God. Mas nakikilala mo Siya. Mas ginaganahan ka mag-pray or mag-read ng Bible.

Kapag napapansin mo na papalayo ka kay God imbis na papalapit, isip-isip na ulit, Breaker.

Another is if your partner points you to God. Alam niya kasi na ginagamit lang siya ni God as an instrument of His love towards you. Si God talaga ang ultimate source of love, satisfaction, and contentment.

Okay, Breaker?

Relationship green flags 09

If you are seeing these relationship green flags sa partner mo, i-appreciate mo naman siya.

Keeper nga ‘yang jowa mo, Breaker.

We are happy for the both of you!

Bagay sa inyo ‘tong article. Check it out 5 BreakThrough Advice on How to Keep Your Relationship Stronger.

Kung need mo naman ng advice because you want BreakThrough in your relationship, comment ka lang below and we’ll answer them.

Shy ka?

You can reach us out sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

Puwede ring PM sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us. Let’s BreakThrough together.

Single ka and you’re reading this?

We hope na naka-help ‘to sa ‘yo sa pag-wait ng God’s best for you. Feel free to share this article to your barkada, ah.