“Nakaka-stress!”
Ayan na ba ang bukambibig mo lately?
Stressed-out ka dahil sa mas mabigat na responsibilities sa bahay at work.
Stressed-out ka dahil gusto mo nang matapos ang pandemic, pero parang lalo lang lumalala ang situation.
Stressed-out ka dahil sa failed plans and failed expectations. Natatakot ka na tuloy mag-plano for the future.
Anuena? What do you do when you’re stressed-out?
Ikaw ba si overthinker? Hindi ka na makatulog sa gabi at maka-concentrate sa umaga kakaisip ng problema.
Ikaw ba si stress-eater? Kain here. Kain there. Kain anywhere to manage the emotions you’re feeling.
Ikaw ba si procrastinator? Tamang iwas lang sa tasks because you are too overwhelmed to handle it.
Breaker, there are effective and healthy ways to manage your stress this pandemic.
Basahin kung ano ang say ni Kuya Carl Pascua diyan in this Beyond Small Talk video.
BreakThrough Stress Management Tip #1: Slow down and rest.
Kapag nagwo-workout ka nga there are times when you need to slow down, catch your breath, drink water to refuel, kapag sa laban ng life, bawal?
It is essential to take a rest, too.
Napapagod ka?
Slow down.
Nalulungkot ka?
Slow down.
Whenever you find yourself na parang nagmamadali, magulo ang isipan, at hindi mapakali, pause for a while.
“Process your emotions. Know where the sadness or stress is coming from,” sabi ni Kuya Carl.
BreakThrough Stress Management Tip #2: Exercise and stay healthy.
Kumusta ang “healthy living” goals mo this year?
It’s not too late to start, Breaker.
Puwede kang mag-umpisa sa simple stretching tuwing umaga or by replacing your go-to milk tea to DIY fruit shake.
Why?
“A healthy body can result to a healthy mind and a good emotional condition,” he shared.
Kung sa iba magaling ka magsabi ng “Ingat ka palagi,” “Kain na on time,” or “’Wag ka magpupuyat,”dapat sa sarili mo rin.
Unahin muna ang sarili bago harot!
Chos! Pinapa-smile ka lang.
BreakThrough Stress Management Tip #3: Talk about your problems.
“Ayoko nga maging burden sa iba!”
Ganiyan ba ang iniisip mo?
Marami na ang nabiktima ng idea na ‘to na kailangan “okay ka” before you share your life to someone. But Breaker, hear us out…
You are not meant to do life alone.
Okay lang mag-share ng struggles and pains to someone you trust hindi dahil weak ka pero tao ka, dumadaan sa pagsubok tulad ng iba.
When you connect, mapapansin mo na ang problema ay mas magaan at mas kayang resolbahan.
BreakThrough Stress Management Tip #4: Let go of the need to always control.
Lagi mo ba ‘to sinasabi sa sarili mo…
“Kasalanan mo ‘to kaya lumaki ang problema.”
Or
“Dapat may plan A to plan Z ka, ayan tuloy pumalpak ka.”
Quit blaming yourself, Breaker. The hard truth is, hindi mo kayang kontrolin ang lahat ng bagay.
Life is full of unexpected twists and turns tulad ng nangyayari ngayon, we are facing a global pandemic.
Sabi nga ni Kuya Carl, “Hindi natin kailangang isisi palagi sa ating sarili ang mga hindi magagandang nangyayari.”
But the good news is?
You can rely on Someone who is always in control, Someone who is always in charge – the LORD. He knows the beginning and ending of your story, pero kailangan mong magtiwala sa Kaniya at hindi sa sarili mong galing.
BreakThrough Stress Management Tip #5: Put your faith in the LORD.
“Do not base your joy, confidence, and trust on people or things that are subject to change,” Kuya Carl shared.
Instead, trust the LORD who never changes.
Trust na gumagawa Siya ng paraan on your behalf. Hindi ka Niya pinabayaan. Hindi ka Niya kinalimutan. Hindi ka Niya iniwan.
Sabi nga sa Psalm 94:19 NKJV, “In the multitude of my anxieties within me, Your comforts delight my soul.”
You need to constantly remind yourself na kasama mo si LORD. Totoo that your problems are big, but He is bigger, mightier, and stronger.
Do you want to hear more kung paano nag-BreakThrough from pandemic stress si Kuya Carl?
Watch this:
Sabi nga sa BreakThrough Stress Management Tip #3: Talk about your problems. So, if you need someone to talk to, available kami 24/7.
Mag-text ka lang sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.
You can also connect with us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.
Hirap po talaga kapag stress gabe Gabe. Po ako puyat gusto ipikit ang Mata KO pero naisip KO parin paano ang gagawin KO😭😭
Hi Joylyn, hindi ka nag iisa dahil katulong mo kami na magdadasal para tulungan ka ni Lord na ma-manage mo ang stress na iyong nararanasan ngayon. We pray na si Lord ang magbigay sayo ng strength and courage as well as wisdom kung ano ang dapat mo gawin sa araw araw at magkaroon ka peaceful and good sleep every night. We would like you to be reminded of His Word from Kawikaan 3:5-6 ASND Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. Gusto ka pa namin na matulungan at maipag-pray, tawagan mo lang kami anytime sa 8-737-0-777 & 0931 805-0802 or text us at 0999-227-1927. You may also send us a PM through iCanBreakThrough Facebook page http://www.facebook.com/icanbreakthrough or Instagram account http://www.instagram.com/icanbreakthrough. You can also email us at connect@icanbreakthrough.com or watch videos from our YT YouTube channel https://www.youtube.com/icanbreakthrough. Blessings and keep safe always!