Nakaka-relate ka ba ngayon sa kantang Paalam ni Moira and Ben&Ben?

“Hindi pa ba sapat nung binigay ko ang lahat.”

Eh sa kanta ni James Ingram na Just Once?

“I did my best, but I guess my best wasn’t good enough.”

Haaayyy!

Hindi lang talaga ‘yan hugot sa pag-ibig, sa life in general na rin.

‘Yung feeling na you have come to the end of yourself.

This article may be your last resort and after this, suko ka na talaga.

But then, pinush mo pa rin na basahin ‘to because somehow, may natitirang hope pa rin sa puso mo.

It’s not an accident that you’re reading this.

‘Wag natin sayangin ‘yang little hope mo na natitira today.

Tatapatin ka na namin, Breaker.

Puwede ka naman mag-give up pero hindi sa ways na inaakala mo.

Parang ganito…

BreakThrough Encouragement #1: Give up all your worries to Him.

Ano ba ‘yang kinaka-worry mo na hindi ka na makatulog sa gabi?

Hindi ka na kumakain sa tamang oras?

Hindi ka na nakaka-function properly sa work?

Feeling mo ba your problems are bigger than yourself? Bigger than your understanding. Bigger than your resources.

Edi good, Breaker!

Edi good because it just goes to show na hindi ikaw ang magfi-fix niyan kundi ‘yung Someone bigger than you – si God.

Ganyorn!

Promise Niya sa 1 Peter 5:7 TPT, “Pour out all your worries and stress upon Him and leave them there, for He always tenderly cares for you.”

Okay lang ba na i-release mo na sa Kanya ‘yung worries mo tulad ng pag-release mo dito?

BreakThrough Encouragement #2: Give up your relationships to Him.

Sige na, Breaker.

Magkaaminan na. Sino ‘yang naisip mo nung sinabing relationships?

Ehem.

Are you the type na gagawin ang lahat para mabago ang isang tao?

Wala namang masama sa intention mo na tulungan siya pero sometimes our holding on can do more damage than good.

Sometimes it’s time to let go, Breaker. Hindi mo naman siya kung kani-kanino lang ile-let go, eh.

Ile-let go mo siya kay God.

Sabi sa Ecclesiastes 3:1 NIV, “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens…”

Tapos nabanggit sa verse 6, “a time to search and a time to give up, a time to keep and a time to throw away,”

Ganito na lang isipin mo, Breaker.

Kung mahal mo sila, mas mahal sila ni God.

Kung gusto mo silang mapabuti, mas gusto ni God silang mapabuti dahil His plans are far greater than your plans for them.

BreakThrough Encouragement #3: Give up your weaknesses to Him.

Kapag ginawa mo ‘yan, Breaker…

Alam mo sabi sa promise of God in 2 Corinthians 12:9 NIV, “But he said to me, ‘My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.’ Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ’s power may rest on me.”

LUPET!

Hayaan mong si God naman ang kumilos.

Tama na ‘yung “Kaya ko ‘to. Okay lang ako.”

Eh hindi nga…

Para kang nagbubuhat ng bags of groceries more than you can handle. Kahit na may kasama ka offering you help, ayaw mo magpatulong.

Kulet ka diyan, Breaker?

In your own power, knock out ka talaga. Pero kung power ni God ang at work in you?

Kaya mo kasi ‘di na lang ikaw ang mag-isa, eh. Dalawa na kayo. Kasama mo na si God.

BreakThrough Encouragement #4: Give up your control to Him.

Ouch!

Kapag usapang control talaga, ang sheket.

Nasanay kasi tayo to do things our own way.

Nasanay tayo to take matters into our own hands kasi in this way mas feeling secure and safe tayo.

“Plano ko. Decision ko. Buhay ko.”

Ganyan ba mga linyahan mo?

Well, hindi man directly ganyan but it reflects in the way you think and behave.

Gusto mo example ulit?

Para kang gumamit ng Waze papunta sa unfamiliar place pero at some point hindi mo na sinunod kasi akala mo “Alam ko na ‘to.”

Sinunod mo ‘yung “akala” mo and ang ending?

Naligaw ka. Imbis na makarating ka sa destination mo in 1 hour, naging 4 hours.

Ang hassle, Breaker! Iniisip mo pa lang nakaka-stress na.

The bottom line is ang Bible ay parang Waze. Pero unlike sa Waze, marami pa ‘yang glitches eh pero ang Word ni God solid and true! Mapagkakatiwalaan!

The choice now is yours, are you still going to control your own life or give the control to God?

Basahin mo kung gaano Siya ka willing to help you, Psalm 32:8 NIV, “I will instruct you and teach you in the way you should go; I will counsel you with my loving eye on you.”

Kung undecided ka pa, tutulungan ka namin.

Ito na oh…

BreakThrough Encouragement #5: Give up your life to Him.

Natatakot ka bang gawin ‘to?

We hear you, Breaker.

Baka natatakot ka sa fact of “giving up” your life to someone, pero this is what we can assure you.

Life with Jesus is always better.

When you understand and experience ‘yung love, compassion, and kindness Niya for you, it will change your life.

Curious ka na ba?

Read this and see for yourself what Jesus has done para ipakita sayo how much He loves and values you.

Nakakakilig ‘yan kaya basahin mo hanggang dulo, Breaker.

Kumusta ka na now after reading this?

Share mo naman sa comment section.

Sabi sa ‘yo, eh.

This is not your ordinary message of encouragement na “You can do it!” because now you understand na it’s not by your own strengths and abilities…

But there is Someone greater than you para ikaw ay maka-BreakThrough.

Rhyming yarn?

Uy! Gusto ka rin namin ipag-pray.

Okay lang ba?

Text mo kami sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802. Available kami 24/7.

If mas bet mo PM, puwede rin. You can message us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

Labyu, Breaker.

Let’s BreakThrough together.