Ilang months or years ka nang in a relationship?
Yesss namaaan! Strong ‘yan?
Bet!
Ang sarap siguro sa feeling na hindi ka na taga-SANA ALL kapag love month ‘no?
Alagaan mo ‘yang relationship niyo!
Parang dati lang nagpe-pray ka for your God’s best, ngayon nasa harap mo na ang panalangin mo.
Ayiiiee!
Kilig ka na naman diyan! Pero seriously, we’re happy for you.
Sa sobrang happy namin for you bibigyan ka namin ng tips para mas maging matatag pa ang relationship niyo kahit pandemic.
Gustomoyon?
Kaya share mo na ‘tong article kay babe, baba, mahal, ano pa?
Bago pa tayo langgamin sa ka-cute-an niyong dalawa, here’s how to keep your relationship stronger.
BreakThrough Relationship Advice #1: I-appreciate mo siya.
When was the last time you said “thank you” to your partner?
Kung katabi mo siyang nagbabasa neto, sige na, ‘wag ka na mahiya. Tell your partner how much you appreciate him/her.
To take it up a notch, may challenge kami sa ‘yo, Breaker! Break ka muna sa TikTok challenges. Ang tawag dito 3-day gratitude plan challenge by Rita Watson in an article 18 Ways to Keep Your Relationship Strong by Marelisa Fabrega.
Bale, ganito ang gagawin mo…
Day 1, anu-ano ‘yung mga qualities na love na love mo about your partner? Na-head over heels ka ba sa pagka-caring niya? Understanding? Consistent?
Think of 3 qualities and focus on those sa buong araw mo.
Day 2, anu-ano ang mga qualities na naiirita ka about your partner? Makakalimutin ba siya? Laging tinotoyo? Late?
Think of 3 qualities and use naman this time to forgive your partner.
Day 3: Sa buong araw, puro kind and appreciative words lang ang sasabihin mo sa ‘yong partner.
Ano, Breaker?
Are you up for the challenge?
Kung G ka, type mo naman sa comment section, “Game ako diyan!”
BreakThrough Relationship Advice #2: Practice using the word “WE” or “TAYO”.
From “Kasalanan mo ‘to, eh!” to “We can sort this out. Ano bang nangyari?”
From “Paano ba ako makakapag-ipon para sa future?” to “Paano ba tayo makakapag-ipon para sa future natin?”
From “Hindi ka na tulad ng dati!” to “Let’s take care of our relationship. Napansin ko lang kasi na hindi na tayo nagde-date tapos puro tayo OT sa work. Paano ba gagawin natin?”
Pansin mo ‘yung difference?
“When we phrase our complaints or observations in terms of “you” our tone is accusatory, and pop goes the relationship bubble. Now it’s more like a relationship tribunal and there will be a sentence with one person left standing. It gets our amygdala (brain alarm system) firing for both the accuser and the accusee,” sabi ni Tamar Chansky Ph.D. base sa research ni Robert Levenson and his colleagues in an article How to Improve Your Relationship With One Simple Word from Psychology Today.
Gets?
Kapag “we” naman “we set in motion a “connectedness” program in the brain (and body) and so that rather than being in survival mode (think: you against me), we can be creative, generous, collaborative, and loving,” she said.
Oh! ‘Di ba?
Kaya nga kayo tinawag na “partner” meaning you’re in this together. Hindi kayo magkalaban pero magkakampi kayo.
BreakThrough Relationship Advice #3: Go beyond the “Kumusta ka na?”
Laging “Kumusta ka na?” na lang ba ang linyahan niyo tuwing magvi-video call kayo?
You can BreakThrough!
Try asking open-ended questions, tip ni Danielle Dowling, Psy.D. in her article This Simple Shift Will Immediately Spark Intimacy In Your Conversations from mindbodygreen.
Eto ‘yung mga tanong that can’t be answered by a “yes” or a “no”. Usually, it starts with words or phrases like…
- Puwede mo ba ma-share…?
- How do you feel about…?
- Paano mo…?
- Bakit…?
- Ano sa tingin mo…?
Ganyarn!
“They (open-ended questions) open the door for your partner, giving them the opportunity to truly think about their response and share with you on a deeper, more honest level,” she said.
BreakThrough Relationship Advice #4: Makipag-communicate kapag may problema.
Nagtatampo ka? Communicate.
Naiirita ka? Communicate.
Nagseselos ka? Communicate.
‘Wag mo i-tweet or i-status sa Fb because it will only add fuel to the fire. Alamoyan!
Oh! Sasabihin mo na naman, “Dapat alam niya na ‘yun!”
Hindi talaga, Breaker, eh. Kung alam ba niya, would he/she do something that will intentionally damage you?
Hindi. Love ka niya, eh.
So, tell your partner what’s wrong then resolve it together. Yes, mahirap at first but it’s never too late to practice now because dito niyo mabi-build ang TRUST.
Let your relationship be a safe place ng isa’t-isa.
BreakThrough Relationship Advice #5: Kumustahin ang individual relationship niyo with Jesus.
Ayan tayo, eh, kapag may labylayf nakakalimutan na si Jesus.
Sa partner mo na lang ba umiikot ang mundo mo?
Buti na lang Jesus’ love for you, for us never changes.
Aaminin na namin sa ‘yo, Breaker.
‘Yang 1 to 4 BreakThrough relationship advice namin sa ‘yo?
Nakakapagod ‘yan! Maniwala ka. Lalo na kung magre-rely lang kayo sa pagmamahal ng isa’t-isa.
Mauubos kayo.
Pero. Pero. Pero.
Kung connected ka sa Source ng pagmamahal – si Jesus – at ayun ‘yung magiging foundation ng relationship niyo…
Ay! Sinasabi namin sa ‘yo, Breaker. Achieve na achieve ang stronger and healthier relationship.
‘Yung peymus relationship advice na “Make Jesus the center of your relationship”?
Bago mangyari ‘yan sa relationship niyo, ang magandang tanong muna is “Is Jesus the center of your life?”
Kung hindi pa, diz iz it!
Diz iz the opportunity, Breaker.
Click mo lang ito to know more about the love of Jesus for you.
Naka-help ba ang article na ‘to sa relationship niyo?
Share mo naman sa comment section if yes. We want to know connect with you, Breaker.
If you’re reading this and ang status ng relationship niyo ngayon is “it’s complicated,” gusto mo ba pag-usapan natin?
Text us anytime sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.
I-message mo rin kami sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.
You can BreakThrough!