Ang saya-saya mo pa nung una kasi finally work-from-home ka na pero ibang challenge din pala kapag nago-office ka na sa bahay, ‘no?
Hindi ka nga nagising ng sobrang aga para makipagsapalaran sa EDSA, nagigising ka naman sa aso ng kapitbahay niyo na tahol nang tahol or sa kapatid mong ang lakas ng volume kapag nanonood ng K-drama.
Isama mo pa si mama na lagi kang inuutusang magluto na or maglaba or mga PMs sa group chat na nakaka-tempt i-check every time they pop up.
Ang masaklap pa, bawal ka lumabas dahil kailangan mo mag-comply. So, wala kang magagawa but to stay and face them every day.
Thankful ka naman na work-from-home ka pero hindi mo maiwasang ma-trigger sa mga distractions, eh.
Pero friend, makaka-survive ka! We repeat, makaka-survive ka!
Tiwala lang.
Kaya nga nag-list down kami ng strategies to help you para sabay-sabay nating i-overcome ang WFH distractions.
G?
1. Start your day right.
Since nagising ka na naman sa tahol ng aso ng kapitbahay niyo at sa dumadaang sasakyan, imbis na mainis at i-try pang bumalik sa pag-sleep…
Get up and start your day right by making time for self-care.
“The time you would typically use to commute into work every day can now be used to exercise, journal, meditate or listen to music,” organizing and productivity expert Julie Morgenstern said in an article 4 ways to be productive and avoid distractions when working from home by Courtney Connley of CNBC.
Tinatanong mo kung bakit? Bakit worth it ipagpalit ang 5 more minutes na pagtulog para sa self-care routine in the morning?
Because “research shows that making time for self-care is key to better managing stressful situations. One study found that taking the time out for physical fitness can help to improve your brain function, including your memory and problem-solving skills, which help you to stay focused throughout the day,” sabi nila.
Hindi ka pa rin convinced?
Basahin mo naman ‘tong strategy #2.
2. Linis linis din pag may time.
Alam mo ba that your brain thrives kapag malinis ang paligid mo?
Si Jim Kwik may sabi niyan in an article How to find your flow working from home, even if you’re surrounded by a spouse, kids and worries by Sunny Fitzgerald published in The Washington Post.
Sabi rin nila that “trying to keep track of everything in a messy workspace may consume neurological energy.”
Maybe ‘yan ang sagot why you are drained easily?
So, make sure na tanggalin ang mga unnecessary items sa desk mo or dining table, basta kung saan ka man nagwo-work.
Speaking of minimizing distractions, kasama dito ang pag-communicate ng work schedule mo sa mga kasama mo sa bahay to establish boundaries.
Advice nila, “Each week or each evening, have a discussion with others in your household (those who are old enough to understand, at least) about scheduling time to work. Make the most of whatever uninterrupted blocks of time you get: Turn off all notifications and close applications unrelated to the task.”
Minsan kasi hindi lang bagay ang nakaka-distract sa ‘yo, pati tao. Kaya dapat alam mo when to let go kapag hindi na nakakabuti para sa ‘yo…
Anuraw?
Medyo off-topic pero gets mo na ‘yan.
Hugot #3, este, strategy #3 pala.
3. ‘Wag na pilitin kung hindi na kaya.
Madalas na ‘yang pago-overwork mo, ha?
We get it na kaya hindi ka nakakapag-clock out on time is because distracted ka but sometimes…
“Eliminating distractions can come down to knowing when you’re no longer able to focus. So when your body feels less than energetic and your brain has reached its limit, listen,” Diana Shi said in her article 8 tips to beat distractions while working from home by Fast Company.
Maraming napapahamak kapag lalo lang pinipilit. Lamoyan!
“Being engaged is very important but taking time to decompress can help you make your time online more valuable,” CEO of software platform Fuze Colin Doherty said in the same article.
After reading this baka kailangan mong magpahinga, go ahead and ‘wag ipagkait sa sarili ang kailangan ng katawan para mag-function properly.
Paggising mo, andito kami. You can text us at 0999-227-1927 or call 8-737-0-777, kung kailangan mo ng makakausap or makikinig lang sa ‘yo.
Feel free to also connect with us sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us.
Peace of mind ba ang kailangan mo?
We know Someone who is willing to give you more than the peace of mind na hinihiling mo.