Kung naghahanap ka ng sign kung magi-give up ka na or magpapatuloy pa, ito na ‘yun!

Don’t give up, Breaker.

Hindi masamang huminga muna kasi baka ‘yan ang kailangan mo ngayon para magpatuloy.

Nawawalan ka na ba ng confidence?

Kasi naman, mahirap na nga maghanap ng work pre-pandemic tapos ganito pa ang nangyari. Hindi ka rin sure if makakapasok ka pa sa dream company or job mo or sa industry na tinapos mo.

Pero posible, Breaker.

Katulad ng hard work and determination na binuhos mo para mapasayo siya, este, ‘yung diploma mo…

Oh ‘di ba? Nakuha pang humugot?

Pinapa-smile ka lang!

…kakayanin mo rin ‘to dahil sabi nga ni Quest sa song niyang Sige Lang, “Walang imposible sige lang ng sige.”

We will help you, Breaker. Scroll down to see 3 diskarte tips for fresh grads na naghahanap ng work.

1. Okay lang kahit hindi muna related sa course mo.

So, ayun na nga, the company or job position you are targeting ay freeze hiring because of the pandemic, pero that does not mean you can’t look for other jobs.

Oh! ‘Wag ka ma-GG, let us explain.

Look at it like this, Breaker.

Hindi naman masasayang ang tinapos mo because “even if a job is not in your ideal industry, there may be opportunities to develop skills that you can leverage later when applying for future jobs,” Indeed explained in their article Tips for Graduates Entering the Workforce During COVID-19.

Sabi pa nga nila, “If you are able to work during this time, adding experience to your resume could help improve your resume and give you an advantage in the long-run. Showing employers that you were able to adjust to this challenging situation could make your application more competitive.”

Boom!

Kaya ‘wag ka matakot maging flexible and open dahil minsan talaga ikaw naman ang kailangang mag-adjust.

Parang ibang hugot ‘yun, ah?

Anyway, ‘wag ka rin matakot sa sasabihin nang iba. Instead, isipin ang kapakanan mo at nang iyong family in the next coming months kung saan uncertain pa ang lahat.

2. Mag-prepare for your virtual job interviews.

Kahit na meron or wala ka pang naka-schedule na job interview online, may mga dapat kang tandaan to help you na maging comfortable kapag nakaharap ka na sa camera.

Just like in a face-to-face interview, eye contact is very important, which means nakatingin ka dapat sa camera lens at hindi sa screen, sabi ni Paul Wolfe in an article Job hunting during the pandemic: Tips for recent graduates by Thuc Nhi Nguyen of Los Angeles Times.

Keep your background neutral and organized na may magandang lighting. ‘Wag ding kalimutan i-test ang internet connection, video, and audio, advice ni Lori Shreve Blake in the same article.

Ask your friends and family if they could do a mock interview with you para lang maging familiar ka with this new interview set up.

‘Wag kang mag-shorts – yup, you read the right.

Dress up from head to toe na para kang magi-in-person interview to get you in the right feels or mood.

Tsaka, malay mo biglang kailangan mo palang tumayo dahil may kailangan kang kunin or may emergency tapos naka-shorts ka.

Mahirap na, bes. Kaya sige na, mag-pants ka na, please.

3. Connect to grow your network.

“Nahihiya ako. Hindi ko alam saan at paano magsa-start,” sabi mo.

Asus! Lagi ka nga nagre-reply sa stories niya at nagse-send ng memes. Kaya mo rin ‘to.

Start ka muna sa mga ka-close or kakilala mo. Your family and relatives, college friends, professors, or college alumni.

Build your conversation. Kumustahin muna sila this COVID-19 pandemic and what they have been up to dahil sabi ni Hannah Morgan in article Job hunting amid the coronavirus pandemic: How to network … from your couch by Kyle Clark of CNBC, “never approach networking with a “me first” attitude — remember that a successful network is like friendships, mutually beneficial.”

Natuloy man ang OJT mo or not, you can still reach out sa company na pinag-apply-an mo and express your desire to work for them.

Suggestion pa nga ni Hannah is to carve out 30 minutes of your time every day sa networking lang, eh. “That can be browsing your LinkedIn feed, commenting on articles, sharing articles, and finding new companies and new contacts to follow,” she said.

Last but definitely not the least, reminder from Hassan Akmal, UCLA Career Center executive director, in the same article from Los Angeles Times.

“Employers are not going to judge you if you are unemployed during a pandemic,” he said.

“However, they are going to focus on what you did during this time. What they want to see is that you are productive and taking your career development seriously,” he added.

We hope na nakatulong sa ‘yo ang diskarte tips na ‘to.

‘Wag mo sarilinin ang problema, Breaker. Andito rin kami kung kailangan mo ng prayers or makakausap man lang, text us at 0999-227-1927 or call 8-737-0-777.

Hindi ka papabayaan ni God, okay?

It may not have turned out the way you expected it to be pero baka door ‘to para mas magtiwala ka pa sa plano Niya para sa ‘yo, reach out to us sa aming iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or you can email us para mas ma-explain namin sa ‘yo.