Ay iba ka, Breaker!

Sa dami ng mga koyang sweet talker and heartbreaker, you’re reading this and willing kang idaan si ate gorl sa tama.

It is one of the marks of true manhood kaya *apir*!

Pogi points ‘yan.

Pursuing someone 01

‘Wag ka mag-alala, we’ll guide you para hindi kayo mauwi sa no label relationship or sa friends with benefits.

Naku po!

‘Yan tayo sa mga sunod sa uso tapos makikikanta sa mga songs ni Moira Dela Torre kahit wala namang “kayo”.

Opx!

Ayan ang mga iniiwasan natin kaya check out these 3 BreakThrough ways kung paano manligaw sa babae nang tama.

BreakThrough Way #1: Ask yourself, “Prepared na ba ako?”

Tama ba ang heart ko?

Ano ba ang purpose ko?

Ayan ang dapat mong pagmuni-munihan bago ka sumabak.

“As you take a good, long, contemplative look at your heart, what things do you see need addressing before you begin to offer your heart to, and join your heart with, someone else’s heart?” sabi ni John Thomas in question-and-answer blog How should a godly man go about pursuing a godly woman? of Boundless.

Sabi nga sa kantang Till I Met You ni Lea Salonga, “Love is not a game that children play…”

One way or another you must grow up and understand na pursuing someone is hindi trip trip lang but a serious decision. Usapang puso ‘to, eh!

Pursuing someone 02

“A good relationship will require from you a willingness to be authentic, someone who is comfortable in his own skin, who receives his masculine identity from Christ, not from the woman he hopes to marry,” John added.

BOOM!

Ganyan ‘yan.

So ang tanong nga is ready ka na ba?

Kung hindi ka pa secured sa own identity mo, how can you expect the woman to be secured sa ‘yo and sa relationship niyo?

Sa real talk lang tayo, Breaker.

Hindi mo alam kung saan magsisimula?

Check this out and you will know kung ano sinasabi ni John about masculine identity from Christ.

BreakThrough Way #2: Maging clear.

Maging clear sa intentions mo sa kanya sa umpisa pa lang.

Hindi ‘yung pupuyatin mo…

Sasabihan mo ng I miss you o ‘di kaya I love you…

Tapos tatawagin mong Princess, Sunshine, Precious…

Hindi lang kurot aabutin mo sa ‘min, batok, Breaker!

Chour!

Kaya important ‘yung BreakThrough way #1 na to be honest with yourself kung prepared ka na kasi kung hindi pa, ‘wag mo na confuse-in si ate gorl.

Kung wala kang balak jowa-in, ‘wag mo nang pakiligin.

Bakit important na maging clear?

Pursuing someone 03

“First, it sets you apart from all the other guys who are just interested in playing games. Second, it establishes your leadership which is something that women desire. Third, whenever you don’t do this (being clear), it sends the message to her that she is good enough to kick it with but not good enough to commit to,” sabi ni Allen Parr in his YouTube video How to Pursue a Woman…The Right Way.

Nabasa mo ‘yun?

Ganun na lang kalaki ‘yung impact ng confusing signals mo sa babae.

Treat her the way God treats her because she is valuable, honorable, and respectable in the eyes of her Creator.

Clear ba?

BreakThrough Way #3: Honor her relationships.

How?

Isa pa sa mga ways to show honor sa babaeng napupusuan mong ligawan is to discover or observe kung sino-sino ‘yung mga most influential people sa buhay niya.

Madalas ba niyang ma-kwento ‘yung kanyang mentor? Leader? Coach? Counsellor? And even her biological father?

Ganito kasi ‘yan, Breaker.

“It is in your best interest to make your intentions known to them because these are the people that she respects, she listens to, and she trusts,” Allen said.

Bukod sa dagdag pogi points ‘yan and angat ka sa ibang nanligaw sa kanya, way ‘to para malaman ng mga taong important sa buhay niya na pure ang intentions mo and you are serious about pursuing her.

Gets mo?

Pursuing someone 04

Uy! Balitaan mo kami how it goes, ah.

You can BreakThrough!

Kailangan pa ng lakas ng loob?

Puwedeng puwede ka naming ipag-pray. Text ka lang sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

You can also send us a message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

Share mo na rin ‘tong article sa iba mo pang tropa para mabawasan na ang mga lalakeng pa-fall.

Opx.

Labyu.