Sabi nila, “not all who wander are lost.” Pero after wandering down many paths and trying out different interests, alam mo na ba ang sagot sa tanong na, “Who am I?”

Who Am I?

Kilala mo ba ang sarili mo, Breaker?

How well do you know your passions, interests, likes and dislikes?

O baka kapag humaharap ka sa salamin tinatanong mo ang sarili mo ng, “Who is that girl/boy I see, staring straight back at me?” Cheret!

Knowing yourself kasi, Breaker, is a key aspect of growth. Siyempre, paano mo sisimulang alagaan ang sarili mo, kung ‘di mo kilala kung sino ka?

Mahirap ‘yan.

Malay mo, baka kaya ka pala nade-depress ngayon o kaya ka feeling unmotivated ay dahil you are working against your own natural design.

May kanya-kanya kasing wiring si Lord sa atin at kung paano niya tayo hinulma. Importanteng ma-discover natin yun kasi that will lead us to a better understanding of our life and relationship with the people around us.

Kaya kung hindi ka pa sigurado kung ano talaga ang disenyo sa ‘yo ni Lord, ‘wag ka mag-alala, kasi we prepared 3 Breakthrough questions na you can ask yourself to know yourself more.

Ready ka na ba? Grab a pen and paper kasi this will take some serious time of reflection for you.

REFLECTION

BreakThrough Question #1: What are my core values?

“Core values are the root beliefs that a person or organization operates from. They are the principle perspectives that guide a person or organization’s behavior with others.” Sabi yan ni Sara Sutler-Cohen, Ph.D. in her article Core Values: What they are, why they matter, and how to define yours published on Medium.

Examples nito ay “Integrity,” “Authenticity,” “Creativity,” “Faith,” and so on. These values guide your decision-making process kapag na-identify mo ang mga ito. Kung clueless ka pa about your personal core values, you may end up going for something that is against your values pala kaya ka nadi-disappoint sa mga naging decision mo or kaya nahihirapan kang ma-meet ang goals mo.

Basahin mo ‘to to help you identify your core values so you can understand yourself better.

BreakThrough Question #2: What are my strengths?

Hindi lang abilities, skills, and talents ang included kapag sinabing “strengths”. Kasama rin dyan ang tinatawag nating character strengths like, loyalty, respect for others, love of learning, emotional intelligence, fairness, at iba pa.

Sabi yan ni Meg Sellg in an article Know Yourself? 6 Specific Ways to Know Who You Are by Psychology Today.

KINDNESS MATTERS

One effective and practical way para malaman mo ang strengths mo is to complete a strengths finder tool. Puwede ka mag-take nyan for free over the internet. I-google mo lang ang term na “strengths finder tool” and for sure maraming lalabas na exams online. You can also try this free strength finder tool by High5 to start.

Another tool na puwede ring makatulong sa ’yo ay ang personality tests. Dito mo kasi mas mage-gets pa kung ano ang likes and dislikes mo as well as your tendencies in given situations.

Tendency mo bang mag-observe when in a group o tendency mong maging center of attention? Sa personality tests mo ‘yan malalaman.

‘Pag natapos mo nang sagutan yung mga ‘yan, Breaker, mag-reflect ka. Ano sa tingin mo ang mga strength na nagagamit mo at ano yung hindi?

Write down your observations.

Knowing your strengths is important so that you’ll know if you are working within your given strengths’ area. Halimbawa, strength mo pala ang magsulat pero you’re taking graphics design as your main profession. No wonder, you’re feeling stuck and unmotivated sa trabaho.

Pero. Pero. Pero.

Kung within the top strength mo din naman ang graphics designing, then that is still good, Breaker! Gusto lang naman namin na maging aware ka sa strengths mo para alam mo kung anong skills ang ile-leverage mo at ano naman ang i-improve mo.

BreakThrough Question #3: What are my desires?

Ano nga ba ang mga innermost desire ng puso mo, Breaker?

Siya ba ‘yan? Cheret!

DESIRES

Puwede ka kasi makakuha ng clues about yourself from knowing your desires or goals in life. Tapos, this information could in turn lead you to a better career or life satisfaction.

“For goals to deliver a sense of satisfaction and fulfillment once achieved, they must express our sense of what is important to us.” Sabi yan ni Maike Neuhaus Ph.D. in an article Developing Self-Leadership: Your Ultimate Coaching Guide by Positive Psychology.

Ask yourself, Breaker, how will you spend a day in your life if financial status is not an issue?

O kaya naman, ask yourself, ano ang gusto mong gawin kung hindi ka takot mag-fail?

Time for a serious reflection, Breaker! Kasi kapag naisip mo na kung ano gusto mong gawin, suggestion pa rin ni Maike Neuhaus Ph.D. na i-visualize mo naman ang sarili mo in the future with these goals.

Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng future self mo ‘pag na achieve mo na ‘to?

Ano kaya yung benefits ng goal na ‘to?

Eh ano naman ang downfalls if you choose this path? Meron ba?

PATH

We hope these questions help guide you sa pag discover pa ng iyong God-given wiring, Breaker. Hindi lang naman ikaw ang magbe-benefit diyan, pati loved ones mo rin. ?

Gusto din namin na samahan ka on your journey towards self-discovery, kaya ‘wag ka mahihiyang i-text kami sa 0999-227-1927 or tawagan kami sa 8-737-0-777

Pwde mo rin kaming i-message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

You can #BreakThrough!

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.