Past decisions ba ‘yan?

Past mistakes?

Past struggles?

Past pain?

Past relationships?

Aray q poh! Iba talaga ang kirot sa puso kapag usapang past ‘no, Breaker?

Kahit ilang beses mo pang kantahin sa banyo ang “Paubaya” ni Moira at ibirit sa karaoke ang “Let it go” ni Elsa, deep down you know na stuck ka pa rin sa cycle ng past life mo.

Bakit nga ba ganito?

Move forward 01

Baka kaya ayaw mo pang magpalaya from the past kasi may hope pa rin sa puso mo na “puwede pa ‘to ipaglaban” or “may pag-asa pa siyang magbago.” Hindi mo pa “feel” na it’s finally over.

Baka kaya ayaw mo pang magpalaya from the past kasi on repeat pa rin ang “if onlys” and “what ifs” sa mind mo.

Baka kaya ayaw mo pang magpalaya from the past kasi pinaniniwalaan mo na “I’ll never be successful,” or “Panget ako at ‘di kamahal-mahal.”

Baka kaya ayaw mo pang magpalaya from the past kasi naghahanap ka pa ng closure.

Ang dami bang na-trigger na memories, Breaker?

Move forward 02

Gets namin na baka need mo magpa-consult with a mental health professional because deep wounds from the past require deep healing kaya go ahead and do it. If need mo ng encouragement, text us at 0999-227-1927 or call 0931-805-0802.

Ang prayer namin is mag-spark ng hope sa ‘yo ito, and for you not to stay stuck and stay defeated sa past mo because BreakThrough is possible.

Here are 3 BreakThrough reminders on why it is important na ‘wag magpakulong sa nakaraan mo.

BreakThrough Reminder #1: ‘Wag magpakulong sa past mo kasi hindi mo na ‘to mababago.

Masaquette mang i-accept pero ang nangyari ay nangyari na. Of course, there is a time to grieve about it, but there is also a time to get up and move.

Ang challenge ngayon sa ‘yo is instead of contemplating, “Bakit ba ‘to nangyari sa ‘kin?” shift to “Ano ang puwede kong matutunan from it?”

Sometimes kasi you’re too hard on yourself kapag ‘di mo na-meet ang expectation mo sa self mo and sa ibang tao, when perfection is just an illusion.

Life is about growth, and paano mo mae-experience ang growth if perfect na ang ang lahat and hindi ka magdadaan sa challenges?

Think about it, Breaker.

Move forward 03

Sabi nga ni Pastor Craig Groeschel in his article When You Believe in God But Are Ashamed of Your Past from FaithGateway, “For many, it is difficult to accept that the past has passed. Sometimes, it’s so hard just to leave it there, where it belongs. But until we do, we cannot make peace with the present or walk into the future with hope.

BreakThrough Reminder #2: ‘Wag magpakulong sa past mo kasi you can’t make space for the new.

Parang cabinet mo lang ‘yan na puno ng mga damit and other stuff na ‘di mo na nagagamit.

Paano mo pa isisiksik ‘yung mga binili mong bagong gamit sa Shopee kung ayaw mo pa i-ukay or ibenta online ‘yung mga luma? Kikita ka pa! Siyempre, responsible shopping pa rin, ah. Watch this Online Shopping Tips para sa mga Marurupok with Breaker Trish hehe.

Pero the point here is, “When you clear away the debris of the past, you create a vast space for anything to happen,” sabi ni Abigail Brenner M.D. in her article 5 Reasons Why It’s Important to Let Go of the Past by Psychology Today.

Ano ‘yung anything to happen?

It could be the possibility of creating new goals, new ways, new mindset, or new network na tutulungan ka to #BreakThrough in life.

Pero. Pero. Pero.

Move forward 04

Speaking of “new” na ‘yan, si Lord lang talaga ang expert diyan. Hindi ito to motivate you to plan and do stuff on your own once again. The reason why you can let go of the past is because He has the power to change your future.

Bakit?

BreakThrough Reminder #3: ‘Wag magpakulong sa past mo kasi love ka ni Lord.

Love ka ni Lord and He’s willing to accept you as you are, accept your flaws, weakness, and shortcomings in the past.

But then, He does not want you to stay where you are.

Sabi Niya in His promise sa 2 Corinthians 5:17 PV, “Kaya kung nakipag-isa na kay Christ ang isang tao, bagong creation na siya. Wala na yung luma, bago na ang lahat.”

Kapag sinabi ni Lord na bago, bago talaga. Kumbaga sa broken na sasakyan, hindi ka Niya ire-repair lang, but you will become BRAND NEW from the inside out.

Iyan ang life na ino-offer ni Lord sa ‘yo today – a NEW BEGINNING and a FRESH START but it takes a “G, Lord! I’m ready,” on your part.

Challenge accepted ba?

Click this to help you na ma-fully grasp ang sacrifice ni Jesus for you so you can walk in His beautiful plan.

Move forward 05

Uy! Puwede ka ring mag-reach out sa amin, ah. Text mo kami sa 0999-227-1927 or call 0931-805-0802 if kailangan mo ng someone to talk to or someone to pray for you.

Puwede mo rin kaming i-message sa iCanBreakThrough Facebook page or Instagram account or email us.

© 2019 iCanBreakthrough. All Rights Reserved.