Takot.
Galit.
Tanong ng isip mo, kailan ba matatapos ang pandemic na ito?
Hindi ka nag-iisa.
Tanong din ‘yan ng mundo na nababalot ngayon ng pangamba.
May pag-asa pa ba?
Kakayanin ko pa ba?
Nakikinig ba ang Diyos?
Ang ingay ng mundo.
Ayoko na.
Gisingin mo na lang ako kapag tapos na.
Sa panahong ito, saan ka tatakbo?
Kasama mo ang Diyos.
Siya ‘yung bumubulong sa ‘yo na, “ibaba mo muna ‘yan. Tara! Usap tayo,” habang nag-so-scroll ka sa social media feed mo ng bagong balita tungkol sa COVID-19.
Siya rin ‘yung nagsasabi sa ‘yo na, “share mo naman ako sa timeline mo para malaman ng friends mo that I AM in control in this situation.”
Kapag nakakaramdam ka nang pagkabalisa sa nangyayari ngayon, Siya ‘yung nagpapaalala sa ‘yo na, “hindi mo ‘yan kaya nang mag-isa. Ibigay mo sa akin lahat ng pangamba mo.”
Kapag ang tanging nababasa mo sa balita ay ang walang tigil na pagtaas nang bilang ng mga taong apektado ng COVID-19, ang sabi Niya, “pray ka. Bakit hindi mo muna basahin ang Magandang Balita ko para malaman mo na tinalo ko na ang virus na ito nung namatay Ako para sa ‘yo!”
Nakikinig ka ba?
Hindi ka Niya iiwan. Hindi ka Niya papabayaan. Masyado lang nakatuon ang tenga mo sa ingay ng mundo na nakalimutan mo na andiyan Siya para sa ‘yo.
Kaya masasabi mong COVID-19 lang ‘yan, Breaker ka!
Dahil tiniis Niya ang lahat ng klase ng sakit at pagmamalupit dahil mahal ka Niya. Pinakita niya ito nung namatay siya sa krus at pinatunayan Niya na kahit ano mang virus miski kamatayan ay walang laban sa Kanya nung nabuhay Siyang muli.
Ito ‘yung pag-asa na meron ka ngayon, pag-asang hindi galing sa mundo pero pag-asang matatagpuan mo lang sa Kanya.
Nakikinig ka ba?